Lakas Loob na Sumali ang Dalagang Ito sa Tagisan ng Talino Kahit Wala Naman Daw Siyang Pinag-aralan, Sa Huli ay Tameme ang Lahat ng Nangungutya sa Kanya

Katulad ng ibang bata ay tuwang-tuwa si Nerry sa tuwing sasapit ang buwan ng hunyo, ito kasi ang buwan kung saan magsisispagpasok nang muli ang mga bata sa eskwelahan. Ngunit hanggang doon lamang ang saya niya dahil sa edad na siyam na taong gulang ay hindi pa rin nakakapag-aral ang bata.

“Ma, hindi pa rin ba ako papasok? Hindi ba kasya ang naipon natin?” tanong ni Nerry sa kaniyang ina.

“Anak, pasensya ka na ha. Hindi nagkasya ang nakalakal natin kaya hindi ka muna makakapasok ngayon. Pero malay mo diba sa susunod e maka-ipon na tayo. Huwag ka nang malungkot ha dahil nakahingi naman ako ng ilang libro na babasahin mo,” saad naman ni Aling Ester.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Sige ma, ayos lang. Hindi na ako malungkot basta’t may libro,” nakangiting sagot ni Nerry sabay buklat sa kahon na puno ng libro.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Nangangalakal ng basura at nagtitinda ng basahan ang kinabubuhay ni Aling Ester ang ang kaniyang anak na si Nerry. Wala na siyang asawa dahil mas pinili nitong sumama sa ibang babae. Wala silang bahay at tanging kariton lamang ang kanilang tinutulugan sa gabi, napakahirap ng kanilang buhay ngunit pilit iginagapang ni Aling Ester ang araw-araw na buhay nila ng anak.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Oh anak, ito na ang limang piso. Maligo ka muna sa may palengke bago ka magbasa riyan ha,” pahayag ni Aling Ester sa anak na tuwang-tuwa sa kaniyang bagong libro.

Sa tuwing mabebenta ni Aling Ester ang mga nakalakal na basura ay bibili naman siya ng basahan upang itinda sa malapit na eskwelahan. Sinadya niya talagang makapasok doon para makahiram ng libro para kay Nerry para kahit papaano ay may alam ang bata kahit na hindi ito nakakapag-aral sa eskwelahan.

Pagkatapos maligo ni Nerry ay susunod naman si Aling Ester at kakain naman sila sa malapit na karinderya. Buong maghapon namang magbabasa si Nerry habang nagtitinda ang kaniyang ina.

“Oh Nerry, akala ko ba e papasok ka na ngayon sa school?” tanong ni Aling Lina, ang may-ari ng karinderya na palagi nilang kinakainan at pinaglilipasan ng oras ni Nerry.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“E Aling Lina hindi daw po nagkasya ang ipon ni mama kaya hindi pa ako makakakapasok. Ayos lang po dahil may bagong libro naman ako,” nakangiting baling ng bata.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Naku napakasipag mo talaga, kung marami lang akong pera e ako na ang nagpaaral sayo,” saad pa ng ale at niyakap ang bata.

Hanggang sa lumipas ang mahabang panahon at hindi na talaga nakapasok pa si Nerry sa eskwalahan ngunit hindi ito naging sagabal upang tumigil siya sa pag-aaral dahil habang lumalaki ang dalaga ay mas pinag-iigihan niya ang pagbabasa ng iba’t-ibang libro.

“Magandang umaga mga kabarangay, inaanyayahan po namin ang mga kabataan na sumali sa gaganaping tagisan ng talino mamayang gabi sa plaza. Ang mananalo ay makakapag-uwi ng sampung libo,” wika ng isang lalaki na namimigay ng flyers.

Kinuha ito ni Nerry at ngumiti, “Ma, wala namang mawawala sa akin diba. Sali ako ha,” paalam pa niya kay Aling Ester.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Tumango lamang ang ale at sinamahan pa niya ang kaniyang anak na magpalista.

“Pakilagyan na lang po kung anong grade at anong school,” pahayag ng lalaki kay Nerry ng iniabot nito ang kaniyang application form.

“Ah, wala po akong school, hindi pa po kasi ako nakakapasok sa eskwelahan,” mahinang sagot ni Nerry.

“Ano ka ba naman? Tagisan ng talino itong sasalihan mo e baka unang round pa lang tanggal ka na. Sigurado ka ba?” tumatawang baling ng lalaki.

“Opo sigurado po ako, susubukan ko lang naman,” saad ni Nerry dito.

“Oh siya kung gusto mo mapahiya e ‘di go,” wika pang muli ng lalaki.

Sumali na si Nerry at tumayo ito sa entablado, halos labing lima rin silang maglalaban-laban. Nauna ang kategorya ng spelling, kasunod ang math at science na ngayon ay pito na lang sila.

Hindi naman makapaniwala ang lalaking kanina na umiinsulto sa kaniya dahil hindi pa rin siya naliligwak.

Huling kategorya ang history ng Pilipinas, kailangan masabi ang lahat nang naging Presidente at Bise Presidente ng Pilipinas kasama ang taong ng kanilang panunungkulan.

Unang sumubok ang isang bata ngunit hindi ito mali ito ng sagot, ” Last minute, para sa sampong libong piso, sino ang makakapagsabi ng tamang sagot?” pahayag ng babaeng nasa mikropono.

Agad na humakbang paharap si Nerry, “Oh may matapang tayo ulit na kandidato. Anong grade mo na at saang school ka nag-aaral?” tanong ng babae sa kaniya.

“Wala po, hindi pa po ako nakakapag-aral,” mahinang sagot ni Nerry sa mikropono.

Agad naman na nagbulungan ang mga tao na nanunuod sa kanila. “Oh, ang galing mo naman at umagot ka sa ating final round. Kaya mo bang sagutin ang huling tanong?” baling pa sa kaniya ulit ng host.

“Susubukan ko po,” sagot ni Nerry at saka niya sunod sunod na sinabi ang sagot.

Nagtayuan ang mga hurado at pumalakpak dahil tama ang sagot ni Nerry at siya ang nakapaguwi ng papremyo.

Simula noon ay marami nang lumapit at tumulong sa dalaga upang siya ay pormal na makapasok sa eskwelahan. Hindi nagtagal ay nakapagtapos siya ng kolehiyo at ngayon ay maayos na ang buhay.

Hindi kailan man magiging hadlang ang kahirapan para sa mga taong nais matuto at magpursige sa buhay. Kaya mga kabayan, laban lang!

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!