Dahil Tapos ng Kolehiyo ay Nuknukan ng Yabang ang Binata, Nakahanap Siya ng Katapat nang Laitin Niya ang Isang Taga-Linis ng Restaurant

Ngayong nakapagtapos na si Jervin sa kaniyang kursong Business Administration ay nais na niyang gamitin ang lahat ng kaniyang natutunan sa eskwelahan sa pamamagitan ng kaniyang itatayong negosyo.

“Anak, sigurado ka bang kaya mong itayo mag-isa ang food park na balak mo?” tanong ni Mang Rogelio, ang tatay ng binata.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Oo naman pa, saka sakit sa ulo kapag may business partner ka, bawat kibot ay kailangan mo munang magpaalam sa kaniya, bawat plano ay kailangan ipakita o pagdiskusyunan e ayaw ko ng ganun,” sagot naman ng binata.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ganyan ba ang turo sa inyo sa eskwela?” tanong ng ama.

“Hindi naman po, pero para sa akin ay mas gusto ko muna magsolo,” baling niya sa kaniyang ama at patuloy ang pagbabasa ng mga articles ng sikat na negosyante.

Nagpasa na rin ang binata ng kaniyang sulat sa mga sikat na kainan para ma-interview patungkol sa kanilang sikreto kung paano maging matagumpay sa larangan ng negosyong pagkain ngunit halos isang buwan na at wala pa ring pumapansin sa kaniya.

“Anak, bakit hindi mo muna subukan ang maliliit na karinderya? Baka sa kanila ay mayroon ka ring makuhang tip. Yung mga big time kasi ay big time din ang kinakausap ng mga iyan kaya siguro hindi ka pinapansin,” wika ng kaniyang ama.

“Sus, ano naman matututunan ko sa mga iyon pa? Baka nga hindi naman nila alam ang equation o formula of success at swerte na lang ang meron sila,” sagot pa ni Jervin sa kaniyang ama.

“Grabe naman pala anak ang panahon niyo ngayon, hindi na ba kayo naniniwala sa swerte, dasal at pananalig sa Diyos? Kailangan ba ay palaging nasa libro ang pamantayan ng pag-asenso?” tanong muli ng kaniyang ama.

“Naku pa, iba na ang panahon ngayon hindi na katulad dati kaya ganito na rin kami mag-isip. Mas makabago, moderno at mas lamang kesa sa panahon niyo dati,” mayabang na sagot ng binata.

Napailing na lamang si Mang Rogelio sa sinasabi ng kaniyang anak at niyaya na lamang ng lalaki ang kaniyang anak para kumain sa labas.

Pumayag naman ang binata para makapag-isip na rin siya ng mga isasama sa kaniyang menu.

“Pa! Masarap itong siomai nila kahit mura, kakaiba ang lasa,” pahayag ni Jervin habang sarap na sarap sa kaniyang kinakain.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Alam mo ba anak na elementary graduate lang ang may-ari nang siomai restawran na iyan pero tignan mo naman, nasasarapan ka diba?” wika naman ni Mang Rogelio.

“Elementary graduate lang? Pwe! Ayaw ko niyan pa, hindi pala masarap,” baling niya sa ama.

“Lipat na lang tayo sa malaking restaurant,” dagdag pa nito. Saka sila naglakad sa kabilang kanto.

“Miss, pa-order ako ng lahat ng best seller niyo tapos paserve na lang sa table number 2,” wika ng binata sa babaeng kahera.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Agad namang nilabas ng babae ang bulalo, tinola, kilawin na tanigue, siopao, atsara, lumpiang sariwa at marami pang iba saka sila kumain.

“Pa, wala naman akong makukuhang tips sa mga kinain natin e,” saad pa ni Jervin.

“Bakit mo naman nasabi anak?” baling ni Mang Rogelio.

“E kasi normal lang naman lahat ng pagkain, pero aaminin ko masarap silang lahat. Panigurado na akong mataas ang pinag-arlan ng may-ari nito, kita mo naman maganda ang lugar, mamahalin ng mga gamit at isa pa mukhang hindi tsamba ang lasa. Hindi katulad nung siomai kanina na elementary graduate lang may-ari,” sagot ni Jervin sa kaniyang ama.

“Naku sir, kung may gusto po kayong itanong tungkol sa pagkain ay maaari kong sagutin,” magilaw na wika ng lalaking naglilinis ng kabilang mesa.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Sino ka naman? Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Saka isa pa taga-linis ka lang dito. Kung may kakausapin man ako edi yung may-ari na. Baka pwede mong tawagin kasi ayaw ko sa mga bobo,” mariing baling ni Jervin sa lalaki at napatingin ang ibang customer sa kanila.

“Sige ho sir, pasensya na po kayo. Teka lang po at tatawagin ko ang may-ari,” nakayukong sagot ng lalaki.

Napailing si Mang Rogelio sa inasal ng kaniyang anak, siya na lang ang nahiya para dito.

“Alam mo ba papa, isa sa mga natutunan ko sa eskwelahan ay yung wag na wag kang kakausap sa mga walang kwentang tao lalo na yung mga bobo na walang pinag-aralan,” pahayag pa ni Jervin sa kaniyang ama.

“O asan na yung may-ari bakit ikaw pa rin yung andito? Saka kahit magtanggal ka ng apron ay taga-linis ka pa rin dito, tawagin mo na yung may-ari baka ipatanggal pa kita,” saad ni Jervin nang lumapit muli ang binata sa kanila kanina.

“Sir, diba gusto niyo po maka-usap kamo ang may-ari,” baling sa kaniya ng lalaki.

Napatingin lang si Jervin sa lalaki at nagulat nang biglang lumapit ang isa pang serbidora sa kaniya at nagpapirma.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Sir, yun nga po palang pulubi kahapon ay nasa labas ulit ngayon. Ano pong ibibigay ko?” wika pa ng babae.

“Kumuha ka ng bagong luto na pansit at lagyan mo na rin ng manok at siopao,” sagot ng lalaki.

“Ako nga po pala si Ferdinand, ang may-ari ng restaurant. Hindi ho ako mayaman at hindi rin ako nakapagtapos ng kolehiyo katulad ng iniisip niyo. Ang totoo nga po niyan ay wala akong tinapos ngunit napatakbo ko itong aking negosyo hindi dahil sa talino kundi sa pamamagitan ng respeto,” pahayag ng lalaki.

“Respeto sa lahat ng tao, mayaman, mahirap o may kapansanan man dahil yun ang tunay na sikreto at hindi ang diploma niyo. Hindi rin ibig sabihin na gusgusin o tagalinis lang ang nakita niyo kanina ay lalaitin niyo lang dahil ngayon palang ay masasabi ko nang walang tatagal na empleyado sa inyo,” dagdag pa ni Ferdinand.

Napalunok si Jervin sa kaniyang narinig at tahimik na binayaran ang kanilang nakain saka umalis. Pahiyang-pahiya siya sa kaniyang inasal at hindi na muling nakabalik pa sa naturang kainan. Doon niya napag-alamang sikat pala ang kainan na iyon sa lugar at matagal na rin kahit na walang tinapos ng may-ari nito.

Natutunan niya ngayon na hindi sa lahat ng bagay at oras ay edukasyon ang mahalaga dahil mas mahalaga pa rin ang pakikitungo natin ng maayos sa kapwa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!