Dahil Nakakasama Naman ng Lalaking Ito ang Dalagang Nililigawan sa Iisang Dormitoryo ay Kampante Siyang Kilala na Niya ang Bababe, Magugulat na Lamang Siya sa Matutuklasang Lihim

Ito ang unang pagkakataong nahiwalay si Andrew sa poder ng kaniyang pamilya. Ngayon kasing nagkolehiyo na siya ay mas pinili niyang tumira sa dormitoryo malayo sa mga ito kaya nga nag-uumpaw ang kasiyahan ni Andrew dahil pakiramdam nya’y isa na siyang ganap na binata.

Bukod sa pag-aaral e agad ding tumibok ang puso ng binata sa dalagang si Marina. Bukod sa kaklase ay nakatira lang rin sila sa iisang dormitoryo.

“Anak, ilang buwan ka pa lang nawawala at ilang buwan mo pa lang rin nakikilala yang si Marina, sigurado ka na ba talagang kilala mo siya?” tanong ni Aling Abby.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Oo naman ma, love at first sight e. Basta dadalhin ko siya d’yan sa atin sa susunod kong uwi para makilala niyo,” baling naman ng binata sa kaniyang ina.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Naku naman anak, itong akin lang naman ay payo bilang nanay mo. Hindi porke nakakasama mo na sa lagi e ibig sabihin kilalang-kilala mo na. Pero sige, kapag dinala mo dito ay papakitunguhan ko naman ‘yan ng maayos,” pahayag naman muli ni Aling Abby.

Nag-iisang anak lamang si Andrew ng kaniyang mga magulang, bukod sa unang pagkakataong nito na humiwalay ay ito rin ang unang pagkakataong narinig nila ang anak na labis na humaling sa isang babae.

“Marina, gusto mo bang umuwi tayo sa inyo? Para naman makilala ako ng mga magulang mo at makaakyat na rin ako ng pormal na panliligaw,” wika ni Andrew sa dalaga.

“Naku hindi na kailangan, masyadong magulo sa bahay namin. Kaya nga ako nagdorm para malayo sa kanila,” iritableng sagot naman ng babae.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Bakit kaya sa tuwing babangitin ko yung sa kanila ay naiirita siya? May tinatago kaya siya?” isip-isip ng binata habang nakatingin sa librong hawak.

“Sige na, para naman ‘tong others. Paano mo ako sasagutin niya kung hindi mo ako ipapakilala sa mga magulang mo?” saad naman muli ni Andrew.

“E ‘di hindi na lang kita sasagutin! Problema ba ‘yon?,” baling muli ni Marina.

Bigla niyang naisip ang sinabi ng kaniyang nanay na baka kailangan nga muna niyang mas kilalanin pa ang babae lalo na ngayong napapansin niyang ilag ito sa usaping pamilya.

Kaya naman simula noon ay lihim niyang sinusundan si Marina at doon niya napapansin na palagi itong umaalis ng dormitoryo at gabi na bumabalik.

“P’re, baka naman may pamilya na yang si Marina o baka kaya may anak nang tinatago. Alam mo naman sa panahon ngayon magugulat ka na lang sa mga mabubunyag na sikreto,” saad ni Henry, matalik na kaibigan ni Andrew.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Kaibigan ba talaga kita? Bakit ka ganyan, ‘di ba dapat hindi mo ako dina-down,” malungkot na sagot ng binata dito.

“E yung niligawan ko nga sa Engineering akala ko ako lang ang manliligaw niya, e yun pala lima kaming pinagpipilian niya at nagpapakasasa lang siya sa mga regalong binibigay namin. Marami nang sinungaling na babae ngayon. Ang akin lang naman e mukhang may tinatago si Marina sa’yo, sabi mo nga ayaw na topic ang pamilya tapos palaging umaalis sa gabi. Kung gusto mo samahan na lang kita ngayong gabi,” baling pang muli ni Henry.

Sinundan na nga ni Henry at Andrew si Marina noong umalis ito sa dormitoryo. Nagulat siyang sa parke pumunta ang babae.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Oh sabi sayo e, nagpapahangin lang si Marina. Wala siyang iba,” wika pa ni Andrew sabay hampas sa balikat ng kaibigan.

Ngunit natulala na lang sila ng biglang lumapit ang isang lalaki, kaedaran lamang nila ito at tinabihan si Marina. Seryosong nag-uusap ang dalawa.

“Oh akala mo ha, sabi sayo e! May iba pang nanliligaw d’yan sa babaeng ‘yan at mukhang hindi ka na sasagutin, Andrew,” tumatawang pahayag ni Henry ngunit laking gulat niyang nawala sa tabi si Andrew at nakita niyang papalapit na ito kay Marina.

“T*ngina mo talaga Andrew! Bobo ka, mapapahiya pa tayo nito,” isip-isip ni Henry sabay takbo sa kaibigan.

“Siya ba ang dahilan kung bakit iniiwasan mo na ako Marina? Kasi mas gusto mo siyang sagutin kaysa sa akin?” galit na tanong ni Andrew sa dalaga.

“Sh*t! Anong ginagawa mo dito Andrew? ‘Wag mong sabihin sa akin na sinundan mo ako?” galit na tanong ni Marina sabay napatayo ito.

“Oo sinundan kita Marina dahil gusto kong malaman kung ano bang sikreto mo sa akin. Bakit ayaw mo akong ipakilala sa pamilya mo, kung bakit ayaw mong pinag-uusapan natin sila. Ngayon alam ko na kung bakit kasi may lalaki ka na pala at pinaasa mo lang ako!” galit na baling ni Andrew sa babae.

“Siya ba yung sinasabi mong lalaki?” wika ng kasama ni Marina.

“Oo ako, ako yung nanligaw kay Marina ng halos anim na buwan na pero niloloko nya lang pala ako. Mahal na mahal ko iyan pero ipagpapalit niya lang ako sa’yo? Wow! Magsama kayong dalawa,” pahayag pa ni Andrew.

Malakas na tawa lang ang narinig niya mula sa lalaki, “Alam mo Marina, tama ka nga. Nakakatawa siya,” saad ng lalaki.

“Pwede ba Andrew? Umaandar na naman yung pagiging immature mo. Hindi kita niloloko kasi hindi ko naman siya lalaki, kapatid ko siya,” paliwanag ni Marina.

“Kapatid? E magkaka-edad lang tayo, wala rin siya sa social media mo, hindi ko pa siya nakikita sa kahit anong pictures na pinakita mo kaya ‘wag mong bilugin ang utak ko,” wika naman ni Andrew.

“Oh well, kasi hindi naman totoo yung social media. Pino-post ko lang naman ang mga masasayang bagay doon at hindi pinapakita ang totoong buhay ko.”

“Anak lang ako sa labas, Andrew. Pinalayas na rin ako sa amin kaya nga hindi kita madala doon. At itong lalaking ito? Kuya ko siya. Siya ang lihim na sumusuporta sa akin para makapag-aral ako. Kita mo? Hindi masaya ang buhay ko,” pahayag ni Marina at kitang kita naman ang lungkot sa mukha ng babae.

“Lagi kami nagkikita kasi binibigyan nya ako ng pera at lagi kita kinukwento sa kaniya. Nagtatanong ako kung dapat na ba kitang sagutin, pero mukhang ito na yun. Ngayong alam mo na ang totoo, gusto mo pa rin ba ako?” tanong ni Marina.

Nagulat naman ang tatlo dahil imbes na sumagot si Andrew ay umiyak pa ito at niyakap ang babae, “Gustong-gusto kita Marina at kahit alam ko na ngayon ang sikreto mo ay walang nagbabago sa pag tingin ko. Patawarin mo ako kasi kung ano-ano ang inisip ko sa’yo,” baling ni Andrew.

“Dude, tama na ang yakap. Nandito pa ako,” baling naman ni Jake, ang kuya ni Marina. Sabay na nagtawanan ang tatlo.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Totoo nga ang sabi ng kaniyang ina na hindi ibig sabihin nakakasama natin lagi ang isang tao ay kilala na natin ito. Pero hindi rin ito magandang dahilan upang pag-isipan natin ng kung ano-ano ang mga tao sa ating paligid.

Sa kabilang banda naman ay mas pinatunayan ni Andrew na totoo ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa dalaga dahil kahit kinahihiya ng babae ang kaniyang estado sa buhay ay buong puso itong niyakap ng binata at mas pinadama pa lalo na walang mali sa pagiging anak sa labas.

Ngayong nakapagtapos na sila ng kolehiyo ay sabay na nilang plaplanuhin ang buhay na magkasama. Sinagot na ni Marina si Andrew at ngayon ay ganap nang magkasintahan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!