Iniwan ng Babae ang Pobreng Mister at Sumama sa Mayaman Niyang Boss, Nagsisi Siya nang Biglang Maging Milyonaryo ang Lalaki

Isang taon na ang nakalipas mula nang maaksidente si Rodel sa Saudi, naging sanhi iyon ng pansamantala niyang pagka-pilay. Hindi tuloy siya makabalik sa abroad dahil sumasablay siya sa medical.

Para makatulong sa misis niya na siyang napilitang bumuhay sa kanilang dalawa ay nagtayo ang lalaki ng maliit na sari-sari store. Nakasaklay pa siya pero kaya niya naman.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Pasensya kana Amanda ha, nagpapagaling na ako kaagad para makabalik rin sa Saudi. Sa ngayon ay tiis tiis muna, wala rin naman kasing opisina ang tumatanggap sa pilay,” malungkot na wika niya isang gabing naghahapunan sila.

Alas onse na at kanina pa kumakalam ang sikmura ng lalaki pero hinintay niya talagang umuwi ang kanyang misis. Kawawa naman kasi ang babaeng pagod sa trabaho kung mag-isa lamang itong kakain.

“Naku Rodel, hindi sinasabi iyan. Ginagawa iyan. Pagod na ko sa kaka-pasensya mo, bilisan mo na ang pagpapagaling at nagiging palamunin na kita.” mataray na sagot ni Amanda.

Kapansin-pansin na kung anong sweet ng babae noong naga-abroad pa ang mister at naibibigay ang luho niya ay siya ring asim ng turing niya ngayon sa lalaki, dahil lumpo na ito at walang silbi.

Tumungo na lamang si Rodel at napapahiya, masakit man ay totoo naman ang sinabi ng misis niya.

“Napapagod na ako. Ano ang ipinagmamalaki mo sa akin? Iyang kapiraso mong tindahan? Diyos ko naman Rodel, hindi ako pipitsuging babae para mabuhay ng ganito!” bulyaw pa ni Amanda. Hindi ito nakatiis at padabog na tumayo.

“Amanda tapusin mo ang pagkain mo at sayang naman-“

“Ah letse ka! Letseng buhay ito!” galit na sabi ng babae sabay martsa papasok sa kwarto. Ini-lock nito iyon at hindi na pinagbuksan ang mister. Sa salas natulog ang lalaki.

Kinabukasan ay maagang nagising si Rodel at ipinagluto ng sinangag ang asawa pero hindi lang siya kinibo ng babae. Walang imik itong umalis para pumasok sa opisina. Naisip ng lalaki na baka galit pa rin, sabagay, nakakainit nga naman ng ulo kung mag-isa ka lang kumakayod. Lalo at babae pa ito.

Napagpasyahan ng lalaki na mamalengke na lang, tutal ay kaunti na lamang ang kanyang paninda. Hirap na hirap siyang bitbitin ang mga pinamili dahil nakasaklay pa siya. Habang naghihintay ng tricycle ay nakailang sulyap siya sa kanyang relo, kailangan niya nang makauwi dahil maglalaba pa siya.

Para naman matuwa ang kanyang misis, baka batiin na siya.

“Psst hijo,” napalingon siya sa sumitsit. Isang lola na kahera sa tayaan ng lotto.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Po?” magalang niyang tanong.

“Taya ka naman, buena mano lang,” pakiusap nito.

Napakamot sa ulo ang lalaki, “Naku lola. Hindi naman ako marunong sa ganyan, hindi po ako nagsusugal.”

“Ano ka? Ang buhay nga natin, isang malaking sugal. Tsaka magkano lang ba ito, para lang swertehin ako ngayong araw at maraming tumaya.”

Wala nang nagawa ang lalaki dahil naawa rin naman siya sa matanda, tumaya na siya at ibinulsa ang resibo. Ilang sandali pa ay dumating na ang tricycle.

Inihilera ni Rodel ang mga naipamili, nang matapos siya sa pagsasalansan sa tindahan ay bumalik siya sa loob ng bahay upang maglaba. Tutal kapag naman may nagtawag ay maririnig niya kaagad.

Nasa kalagitnaan siya ng pagkukusot ng mga damit ni Amanda, kinapa niya ang bulsa ng pantalon nito. Ang kanan ay may dalawang piso at isang panyo, habang ang kaliwa naman ay may kapirasong papel.

“Naku talaga si misis, baka importanteng resibo ito,” napapailing na sabi niya.

Binulatlat niya ang papel at halos malaglag ang panga niya nang mabasa ang nakasulat roon.

“R-Resibo sa motel?” wala sa sariling tanong niya.

Mabilis lumipas ang mga oras, tulala pa rin ang lalaki at tigib ng luha ang mga mata habang nakaupo sa sofa at hinihintay ang misis.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Ilang sandali pa ay dumating na si Amanda, tila nakainom pa ito.

“Ano’ng oras na ah,” bati ni Rodel, alas onse na naman ng gabi.

“O, eh bakit naghintay ka pa? Di ka pa nasanay,” walang pakialam na sagot ng babae.

Hirap na tumayo ang lalaki, nakasaklay na lumapit siya sa misis at iniabot rito ang papel.

“Amanda ano ito?”

Halatang nagulat ang babae nang makita iyon, pero mabilis ring nakabawi. Inaasahan ni Rodel na gagawa ito ng dahilan pero malakas pa ang loob ng babae. Ni hindi man lang nangilabot na aminin ang pagtataksil.

“Bobo ka? Hindi mo alam kung ano iyan? Edi resibo sa motel!”

“K-Kailan mo pa ako niloloko?” naiiyak na sabi ng lalaki.

Umirap naman ang misis, “Diyos ko naman Rodel. Sino naman ang mananatili sa iyo? Tsaka hindi ka pa ba kuntento na kasal naman tayo? Kapag nakapag-abroad ka ay okay na naman ulit. Tikiman lang naman kami ng boss ko. Oo, nagpapa-kama ako kapalit nitong mga ‘to. Kita mo?” sabi nito at iniangat ang mamahaling bag at mga alahas.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Kung hindi dahil sa kanya edi wala ako nito. Kaya mo ba itong bilhin? Hindi Rodel, wala ka nang silbi!”

Nangangatog ang lalaki, anong kasalanan ba ang nagawa niya para masaktan siya ng ganito?

“Bakit ka nagkaganyan Amanda?”

“Ganito na ako dati pa! Baka bulag ka lang! You know what, wala nang sense ito eh. Binabawi ko na ang sinabi ko, hindi na magiging okay ang lahat maski na mag abroad ka dahil malinaw pa sa sikat ng araw na hindi na iyon mangyayari! Habangbuhay ka nang sasablay sa medical, habangbuhay ka nang pilay! Ayoko na!” taas ang kilay na sabi nito at lumabas na.

Naiwan si Rodel na wasak ang puso at umiiyak.

Akala niya ay wala nang direksyon ang kanyang buhay, baka tama nga si Amanda.

Pero hindi siya pinabayaan ng Diyos, dahil isang umagang nagbabasa siya ng dyaryo, nanlaki ang kanyang mata nang makita ang mga numerong tumama sa lotto.

Iyon ang mga tinayaan niya! At ang premyo? 28 million pesos!

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Sa tulong ng salaping napanalunan ay nakapagpa-therapy ang lalaki at gumaling na ang pilay. Pero hindi na siya bumalik sa abroad nag-negosyo nalang siya rito sa Pilipinas. Sinubukan ni Amanda na balikan siya pero natauhan na ang lalaki, hindi niya kailangan ng taong mahal lang siya sa kaginhawaan pero pag hirap na ay iwanan na.

Mabilis na na-process ang kanilang annulment. Malaking panghihinayang ang naramdaman ni Amanda dahil ginawa lang siyang kabit ng boss niya, nananakit rin ito at malayung malayo sa pagmamahal na ibinigay ni Rodel.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!