Dinaan sa Libre at Pagbibigay ng Magagarang Regalo ng Binatang Ito ang Kaibigan Niyang Babae Sa Paniniwalang Magiging Sila, Magtagumpay Naman Kaya Siya?

Mula sa Japan ay napagpasyahang mag-aral dito ng binatang si Jayson. Labis kasi itong nasaktan sa dating nobya na niloko siya kaya hiniling niya sa magulang na dito na lang sa Pilipinas manirahan.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Dahil Pilipina naman ang kaniyang ina at pinalaki din siyang Pinoy sa ibang bansa, hindi nahirapan ang binata na mag-adjust dito sa bansa.

Nasa ikalawang taon na noon ang binata sa kolehiyo nang maging kaibigan niya dalagang si Sandy, ito kasi ang unang kumausap sa kanya.

“Sandy, salamat nga pala ha. Palagi mo akong sinasamahan. Ikaw na talaga ang best friend ko dito,” saad ng binata habang kumakain sila sa canteen.

“Naku wala ‘yon. Lagi lang akong andito para sayo,” malambing na sagot ng dalaga.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Alam ko namang may gusto ka sa akin kaya pagbibigyan na kita, tutal e tatlong buwan na rin naman tayong magkakilala,” isip-isip ng binata habang nakatitig sa magandang babae.

“Sandy, alam mo may sasabihin ako,” baling ni Jayson at hahawakan na sana niya ang kamay nito nang bigla tumayo ang babae at kumaway ito sa likuran ni Jayson.

“Jayson, siya nga pala ang nobyo ko,” pakilala ni Sandy sa lalaking kakarating lang at agad na humalik ito sa dalaga.

Labis namang ikinagulat ito ni Jayson dahil walang nababangit si Sandy na may nobyo pala ito, buong akala ng binata ay may gusto sa kanya si Sandy.

“Oh hindi mo pa siya nababangit sa akin,” sagot ni Jayson sabay abot ng kamay niya sa lalaki.

“Ako nga pala si Vince, palagi kang nakwekwento sa akin ni Sandy. Baka kaya hindi niya ako nabangit dahil hindi naman talaga makwento itong mahal ko,” sagot ng lalaki sabay akbay sa nobya.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Sumabay na sa pagkain nila si Vince at tinititigan ang dalawa na sobrang sweet. Hindi pa rin makapaniwala ito sa kaniyang nakikita. Pagkatapos kumain ay agad namang umalis na ang lalaki at nakita ni Jayson na inabutan ni Sandy ng pera ang lalaki bago ito umalis.

“Ano yun baon niya?” pabirong tanong ni Jayson nang makalayo na si Vince.

“Oo, mahirap lang kasi ang pamilya ni Vince kaya tinutulungan ko siyang makapag-aral, ako ang nagbibigay ng baon sa kaniya. Ah nga pala Jayson baka pwedeng huwag mong banggitin kina mama na may nobyo na ako, ayaw kasi nila kay Vince,” pahayag ng babae.

“Oh e bakit? Gwapo naman si Vince at mukhang matalino bakit ayaw nila?” tanong ni Jayson.

“Kasi mahirap lang siya at sinasabi nilang hinuhuthutan lang daw ako nung tao,” malungkot na sagot ng babae.

Doon naman naisip na Jayson na masusulot niya ito sa nobyo lalo na kapag pinakitaan niya ito ng mas magandang buhay. “Walang babae ang ayaw sa marangyang buhay,” isip-isip nito sabay hawak sa kamay ng dalaga.

Doon nagsimula si Jayson sa pagbili ng ibat-ibang gamit para kay Sandy. Simula sa mamahaling bag hanggang sa iba’t-ibang alahas. Palagi din nagpupunta ang binata sa kanilang bahay, hinahatid pa ito ni Jayson gamit ang iba’t-ibang magarang sasakyan ng kaniyang mga tito at tita.

Naging mas malapit din sila sa isa’t-isa at alam ni Jayson na higit sa pagkakaibigan ang mga pahiwatig ng tingin ng dalaga sa kaniya.

“Jayson, bakit mo ako binibigyan nito?” gulat na tanong ni Sandy ng makita ang isang gintong kwentas.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Isuot mo na,” nakangiting saad ng binata.

“Hindi ko na ito matatangap pa, yung sunod-sunod na pagreregalo mo ay nahihiya na ako kaya sobra na kapag pati ito ay tatangapin ko pa,” sagot naman ni Sandy.

“Kasi espesyal ka sa akin Sandy, simula nang mag-aral ako dito ay ikaw na ang aking naging katuwang. Hindi mo ako pinabayaan Sandy,” malambing na pahayag ng lalaki.

“Alam ko rin naman na gusto mo ako, kaya sasabihin ko na sayong gusto-gusto din kita. Kung inaalala mo naman si Vince e handa akong magsabi sa kaniya,” dagdag pa nito.

“Jayson ano ‘yang pinagsasabi mo?” natatawang wika ni Sandy.

“Alam kong naaawa ka lang kay Vince kaya hindi mo siya mahiwalayan dahil gusto mo siyang makapagtapos, nakikita ko yun sayo dahil natural kang mabait. Pero alam ko rin na mahal mo ako katulad ng nararamdaman ko para sayo. Pwede pa rin naman natin tulungan si Vince kahit na tayo na,” pahayag pa ni Jayson at sabay hawak sa kamay ni Sandy.

Ngumiti ang dalaga at inilagay ang dalawa niyang kamay sa mukha ng lalaki saka siya pumikit habang magkalapit ang kanilang mukha.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Nakita naman ni Jayson na ito na ang inaantay niyang pagkakataon kaya naman pinikit din niya ang mga mata at aakmang lalapit na ito sa dalaga nang biglang nilamutak ng babae ang kaniyang mukha.

“Ang dami mong alam Jayson!” sabay sabi ni Sandy.

“Hindi kita gusto at hindi ako naaawa lang kay Vince, mahal ko siya. Kaibigan lang ang tingin ko sayo, kapatid ganun,” saad ni Sandy at namula ang mukha ng binata sa hiya.

“Bakit? Ayaw mo ba sa akin? Mas madali ang buhay, hindi ka gagastos dahil mayaman naman ako. Hindi katulad kay Vince na mahirap at ikaw pa ang sumasagot ng lahat,” baling naman ni Jayson.

“Alam mo Jayson, ang pera mawawala yan at pwedeng kitain ulit. Pero yung pagmamahalan namin panghabang buhay, hindi ako masisilaw sa marangay buhay dahil alam ko sa sarili ko na sapat na ang maayos lang, mahal ko si Vince at sana igalang mo iyon kung kaibigan mo talaga ako,” pahayag naman ng babae.

Nahimasmasan si Jayson sa kaniyang narinig, hindi pala pare-parehas ang mga babae na nasisilaw sa yaman at magagarang gamit. Meron pa rin palang mga babae na kagaya ni Sandy na naniniwala at pinapahalagahan ang pag-ibig.

Napabuntong hininga na lang siya at nasabi sa kaniyang sarili na “SANA ALL.” Ngayon ay magtatapos na ang dalawa at nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan, siya ang saksi sa tunay na pagmamahal ng dalawa at umaasang darating din ang tunay niyang pag-ibig.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!