Normal na Lang ang Makulong Para sa Aleng Ito Upang Mabuhay Niya ang Pamilya, Paano Kung Apo na Niya Mismo ang Mabiktima Niya?

Sa araw-araw na ginawa nga naman daw ng Diyos ay pinapayagan daw niya na maghirap ang bawat tao upang matutunan na muling tumawag sa kaniya. Ngunit dahil laganap na ang kasamaan sa mundo, nakalimutan na nila na may Diyos silang malalapitan at kayang gumawa ng milagro.

“Remie, baka naman pwede mo ako mapahiram ng 50 libong piso para kay mama,” wika ni James sa kanilang kapitbahay.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Oh bakit? Dinampot na naman ba nanay mo? Sabi ko naman kasi sa’yo tigilan niyo na ‘yan, ginawa niyo nang pasyalan yung presinto,” baling naman sa kaniya ni Aling Remie.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Eh alam niyo naman pong doon lang mabilis ang pera. Magpapasukan na rin kasi kaya dumiskarte na si mama para sa mga bata,” saad naman ni James dito sabay kamot sa ulo.

“Oh siya, basta ayaw kong madamay James ha. Saka ibalik mo kaagad yan sa linggo kasi kailangan ko rin. Sa susunod kasi’y mag-iingat na lang ‘yang nanay mo, palagi na lang nadadali ng parak!” pahayag naman ng ale sabay labas ng nakagomang pera at isinilid sa pakete ng noodles.

Ito na ang kinagisnang buhay ni James, ang magpabalik-balik ang kaniyang ina sa kulungan dahil sa pagbebenta at paggamit ng bawal na gamot. Natutunan na rin nila ang makipagnegosasyon sa mga parak kapalit ng pera.

“Boss, ito na yung pera. Yan na lang talaga kinaya namin e singkwenta yan,” bulong ni James sa pulis na kausap sabay abot ng pera.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Naku, parang lumiliit na yata delihensya niyo sa akin, lugi pa ako nito sa laki ng kita niyo,” baling naman sa kaniya ng pulis.

“Hayaan mo boss papadulasan ko yan sa susunod na araw, kilala mo naman na kami e kahit kelan hindi ka namin inisahan,” baling pang muli ni James sa lalaki.

Wala pang sampung minuto at nakalabas na ang kaniyang ina. Dali-dali naman silang umuwi.

“Magtatanong na naman ang mga bata mamaya bakit ilang araw kang nawala,” wika ni James sa kaniyang ina.

“E ‘di katulad ng dating gawi, sabihin natin na nagtrabaho ako sa probinsya kaya hindi nakauwi ang mommy nila,” sagot ni Aling Ramona.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ma, sa tingin ko dapat na nating ihinto itong ganitong trabaho. Lumalaki na kasi sila at nakakahalata na, baka mamaya ay malaman pa nila ang sikreto natin,” baling pang muli ni James dito.

“Bakit, sa tingin mo ba e mabubuhay mo yung mga apo ko sa pagkakargador mo? ‘Di kaya’t mas mabuti kung huwag ka na lang maingay? Dahil hindi nila malalaman yan hangga’t hindi ka nagpapahalata,” saad naman ale.

Malaki ang utang na loob ng lalaki sa kaniyang ina dahil simula noong iwan siya ng kaniyang kinakasamang babae ay si Aling Ramona na ang nagsilbing nanay sa dalawang anak ni James.

Kaya lang din naman bumalik ang kaniyang ina sa ilegal na trabaho ay dahil sa matinding pangangailangan noong naospital ang mga bata at ngayon nga ay pinagkukuhanan na nila ng pangaraw-araw na buhay dahil hindi naman nakakayanan matustusan ng lalaki ang mga pangangailangan ng mga bata.

“Yehey andito na si mommyla!” bati ni Wayne na limang taong gulang at ang bunsong anak ni James.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Pasensya na kayo mga apo, nagtrabaho lang si mommyla sa Laguna kaya nawala ako ng ilang araw. Pero may pangbawi naman ako sa inyo dahil bukas mamimili tayo ng mga bagong gamit sa school!” magiliw na pahayag ni Aling Ramona sa mga bata.

“Mabuti naman nakauwi na po kayo, akala nga po namin ni Wayne sa pulis kayo galing e,” saad ng panganay James na si Wilfred, pitong taong gulang.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Nagkatinginan naman agad ang mag-ina sa narinig nila sa bata. Dali-daling nilapitan ni James ang kaniyang anak at sinakay ito sa kaniyang hita.

“Bakit niyo naman naisipan na sa pulis galing si mommyla? Yun ba mga sinabi ng mga kalaro niyo? O yun ba sinabi ng mga kapitbahay natin?” pahayag ni James sa bata.

“E ‘di po ba nagbebenta si mommyla nung kulay puti na hinuhuli ng mga pulis. Bawal yun pero yun ang trabaho natin di ba? Napanuod ko kasi yun papa sa TV tapos naisip ko po agad na kulong si mommyla,” tanong ni Wilfred sa ama.

“Saka mommyla napulot namin ito oh, masarap po ba ito?” baling naman ni Wayne sa ale sabay labas ng maliit na pakete ng sh*bu.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Hindi na inantay pa ni James na magsalita ang kaniyang ina at dali-dali niyang kinuha si Wayne at inihagis ang naturang plastic. Niyakap niya ang mga anak habang umiiyak.

“Pa, mommyla, bakit kayo umiiyak? E diba mahirap lang kasi tayo kaya tayo nagbebenta nun?” baling pang muli ni Wilfred.

“Mga apo hindi ito ang work ni mommyla at kahit mahirap lang tayo e hindi tayo masasamang tao ha. Ito plastic na ito ay hindi kinakain, nilalagay kaya ito sa kili-kili oh,” pahayag ng ale sabay bukas sa maliit na plastic at ipinahid ito sa kaniyang kili-kili. Nagtawanan naman ang mga bata at tumakbo sa kaniya.

“Pero hindi pa ito pwede sa inyo ha. Saka hindi hinuli si mommyla ng mga pulis kasi hindi naman ganun ang work natin,”dagdag pa ng ale at niyakap niya ang mga apo.

Doon nagkatinginan ang mag-ina at nagkaintindihan na ito na ang katapusan at kailangan nang tuldukan ang pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Kinaumagahan ay naghanap si Aling Ramona nang trabaho at maswerte namang nakapasok bilang isang tagaluto sa malapit na karinderya. Sa ganitong paraan ay mapapakita niya at mababago ang isip ng mga bata, habang maaga at habang bata pa ay itatama na niya ito.

“Anak, pasensya ka na nga pala kagabi ha? Pasensya ka na at hinintay ko pang dumating sa ganoong punto na alam na pala ng mga apo ko hindi ko pa nararamdaman. Hayaan mo at babaguhin na natin ang buhay natin,” wika ng ale kay James.

“Ma, ako ang patawarin mo dahil isa akong pabayang tatay at hinayaan ko na lang lamunin at silawin ako ng mabilis na pera kaysa sa magbanat pa lalo ng buto. Hayaan mo ma, magbabago na rin ako,” baling naman ni James at niyakap niya ang ale.

Simula noon ay hindi na muling nagtulak ng pinagbabawal na gamot ang dalawa at mas tinutukan pa ng paglaki nina Wayne at Wilfred.

Nagsimula na rin silang lumapit ulot sa Diyos at magdasal,nagsisimba na sila at pinapakilala si Hesukristo sa dalawang bata. Kahit mahirap at kapos sa buhay ay mas pinapakita nilang walang problemang hindi malulutas sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos at hindi sa pera.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!