Naghahanap Pa Lang ng Trabaho ang Dalagang Ito Ngunit Isang Krimen na Kaagad ang Kaniyang Kinasangkutan, Ano Kaya ang Nangyari?

Ngayong nakapagtapos na si Claire ng kolehiyo ay abala naman siya sa paghahanap ng trabaho. Nais niyang mapasukan ang kahit anong bangko, pangarap kasi ng dalaga na iyon ang maging unang trabaho.

“Claire, tara sa Mcdo na lang tayo kumain. May 50 pesos meal dun e,” wika ni Ellaine, kaibigan ng dalaga at kasabayan na maghanap ng trabaho.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Teka, ikot muna tayo at baka may mga free taste. Alam mo na,” baling naman ni Claire.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Naku naman, umandar na naman yang pagkahilig mo sa mga libre. Kaysa makapagpasa pa tayo ng resume e mauubos ang oras natin kapag nag-ikot pa tayo,” saad naman ni Ellaine.

“Ayan, oh! Si kuya, nag-aalok ng credit card tara!” pahayag ni Claire nang makita ang isang lalaking namimigay ng libreng tumbler.

“Ma’am, may credit card na ba kayo? Sign-up lang kayo sa akin mam tapos may libre na po kayo nito,” pahayag ng lalaki.

“E baka naman kailangan namin magbayad? Saka may credit card na ako e,” wika naman ni Claire na kunwari ay ayaw niya.

“Hindi ma’am, wala kang babayaran saka kahit may credit card ka e ayos lang. Mag sisign-up ka lang naman dito sa form tapos irereview pa rin naman po kung maaprubahan o hindi tapos pwede niyong i-decline kapag ayaw niyo talaga,” paliwanag pang muli ng lalaki.

“Ganun? Sige na nga, pero pwede bang mamili ng tumbler? Gusto ko yung pink,” baling naman ni Claire sabay sulat sa papel na binigay ng binata.

“Ma’am okay lang ba picturan natin yung id mo? Para i-attach ko lang po sa application,” saad ng lalaki.

“Okay,” sagot naman ng dalaga sabay abot sa kanyang driver’s license at umalis na silang dalawa.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Kita mo, wala ka tuloy tumbler! Ang arte pa kasi, ayaw pang magsulat,” pahayag pa ni Claire sa kaibigan saka ito kinuhanan ng litrato.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ba’t mo binigay yung ID mo? mamaya budol yun e di napahamak ka pa,” sagot naman ni Ellaine.

“Ano ka ba naman? Sanay na ako sa ganun kasi napakaraming beses na akong sumagot sa mga ganyan. Diyan ko nakuha yung payong ko tapos minsan mga pagkain ang binibigay nila, basta magsulat ka lang. Oh kita mo wala namang nangyari sa akin,” tumatawang baling ng dalaga.

Kolehiyo noon si Claire nang makahiligan niya ang pagtangkilik sa mga libre na pinamimigay sa mall, sa online at kung saan niya pa makita, Hindi naman na kakaiba iyon dahil sino nga ba naman ang may ayaw sa libre.

Isang linggo ang nakalipas, wala pa ring trabaho ang dalawang magkaibigan. Habang naghahanap si Ellaine sa facebook ng mga online job posting ay agad siyang napahinto at napasigaw nang “HOLY CRAP!” sabay tawag sa kaniyang kaibigang si Claire.

“Claire! Lumabas ka diyan sa banyo, tinamaan ka na ng malas. Bilisan mo,” galit na galit na pahayag nito.

“Kita mo yan, ikaw yan ‘di ba?! Kita mo, sikat ka na sa Facebook!” wika pang muli ni Ellaine sabay pakita niya sa kaniyang telepono at sa nabasang post mula sa Facebook.

“Ako yung nasa picture, pero hindi ko naman pangalan to e. Bakit ganito?” gulat na gulat na sagot ni Claire.

Nakita nila ang isang post sa Facebook kung saan nakalagay ang ID ni Claire ngunit Clarita Demuo ang pangalan at nasasangkot sa krimen nang pangloloko ng pera sa mga tao. Doon sya nag-iiyak at hindi malaman ang gagawin.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“I-share ko ito para hindi na kumalat pa at sabihin natin na naloko ka lang rin na ginamit lang ang ID mo. Teka, nag-upload ka ba ng ID mo sa Facebook?” tanong muli ni Ellaine.

“Hala Ellaine, dun yan sa nagbigay ng tumbler sa mall nung nag-apply tayo nung nakaraan. Unang beses kong magbigay ng driver’s license at sa kanya lang yun kasi laging school ID ang binibigay ko dati sa mga free,” sagot naman ni Claire dito.

Agad na ini-report ni Ellaine ang naturang post at gumawa din sila ng kanilang bersyon kung saan ikinuwento nila kung paano nakuha ang ID ng kaniyang kaibigan. Saka sila umalis at agad na nagpunta sa mall para hanapin ang lalaki ngunit bigo na sila dahil wala na ito doon sabi ng mga guwardia.

“Ano nang gagawin natin? Baka bukas makalawa may pumunta nang pulis sa bahay namin o di kaya naman makarating sa mga kumpanya. Paano pa ako nito makakapagtrabaho? Baka huliin na lang ako bigla, Ellaine,” saad ng dalaga sabay hagulgol sa kaibigan.

“Pulis, tama pulis! Tara pumunta tayo sa pulis tapos ikwento mo lahat nang nangyari, unahan na natin kasi wala ka namang kasalanan,” pahayag ni Ellaine sabay hatak sa kaibigan at nagpunta sila sa pinakamalapit na presinto sa kanilang lugar.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Mabuti na lang at nilakasan niyo ang loob niyo para magreport sa amin. Huwag kayong mag-alala dahil tutulungan namin kayo. Ang kasong ito ay tinatawag nating identity theft o identity fraud. Pinalitan lang nila ang pangalan pero yung ibang impormasyon sa ID ay sa’yo pa rin. Maraming ganitong krimen ang nangyayari lalo na kapag binibigay natin ang mga pribadong impormasyon tungkol sa ating sarili,” paliwanag sa kaniyang ng pulis.

“E gusto ko lang naman po nung free tumbler, hindi ko naman akalain na magiging ganito ang kakalabasa. Sobra na akong nagsisisi ngayon,” baling pa nito.

“Wala namang masama sa pagtangkilik ng libre, sa susunod lang ay maging mas maingat tayo dahil nagkalat na ang mga manloloko. Kung dati mga gusgusin lang ang nanlalamang, ngayon yung mga naka-amerikana at mukhang mayaman ay modus na rin nila. Kaya doble ingat talaga,” paliwanag pang muli ng pulis.

Ngayon laking pagsisisi ni Claire sa labis nyang pagtitiwala at pagsasawalang bahala sa mga impormasyong kaniyang ibinibigay para lamang sa libreng bagay. Magmula noo’y tinigilan niya na ang pagtangkilik sa mga ganoong klaseng bagay makakuha lamang ng kung ano-anong gamit. Naging maingat na siya sa sarili niya, lalong lalo na sa mga impormasyong hindi naman dapat niya ipinamamahagi sa iba.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!