Pinagkalat ng Lalaking Ito na May Nangyari na Daw sa Kanila ng Kaniyang Nobya, Sa Huli’y Karma ang Gaganti Para sa Dalaga

High school pa lang si Kenneth ay sikat na ito sa pagiging babaero. Gwapo at mayaman kasi ang lalaki kaya nga halos lahat ng babae e pumipila sa kaniya at kasama na rin doon na makuha niya ang mga pagkababae ng mga ito. May iilang birhen at mayroon din namang hindi na ngunit wala nang kaso sa kanya kung ano pa man dahil mas mahalaga sa kaniya ang makapuntos sa mga ito.

Kaya ngayong nagbinata at nagkolehiyo na ay mas lumala pa ang paglalaro ni Kenneth sa mga babae. Naroong pinagsasabay niya ang mga ito na karelasyon at pinagsasabay rin sa kama. Si The King na nga tawag sa kaniya ng mga kaibigan at kaklase.

“Kenneth, nakita mo na ba ‘yong first year student ng dentistry? Pare chicks!” wika ni Kevin, kaibigan ng binata.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Balita ko nga ay marami nang nakapila doon e, mukhang siya na yata ang pinakamagandang babae dito sa campus na nakita ko,” pahayag pa ni Romel, isa pang kaibigan ng binata.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Mukhang pinagpapantasyahan ng lahat tapos liligawan natin? At kapag kami na e isasama ko pa kayo sa kama! Hindi pa pumapalya ang the king niyo,” saad naman ni Kenneth sabay nagtawanan ang tatlo.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ako nga pala si Kenneth, 3rd year criminology student. Pwede ko bang mahingi ang pangalan mo?” tanong ng binata sa magandang dalaga.

“E di wala na akong pangalan ‘pag binigay ko sa’yo,” baling naman ng binibibi na noon ay nakatambay sa may hagdan.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Shet, pakipot si ate!” isip-isip naman ni Kenneth.

“E di hihiramin ko na lang tapos ay idudugtong ko ang apelyido ko, gusto mo ba?” saad namang muli ng binata.

“Huh, malakas ka pala talaga. Ako nga pala si Joyce, kilala na kita. Pinag-uusapan ka sa campus e,” sagot naman ng dalaga sabay abot ng kaniyang kamay.

Doon na nagsimula ang istorya ng dalawa, halos limang buwan ring niligawan ni Kenneth si Joyce bago niya ito napasagot. Ito na yata ang pinakamatagal na kaniyang record, ang iba kasi ay lingo o oras lang e syota na niya.

“Baby, 3rd monthsary na natin pero hindi mo pa rin ako hinahalikan. Grabe ka naman, hindi ka ba naawa sa poging boyfriend mo?” pahayag ng binata sabay nguso ng kaniyang mga labi.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Hinahalikan naman kita a!? Sa cheeks, sa nose and sa head. Bata pa ako Kenneth para sa matured na halikan,” baling pa ng babae.

“T*ngna! Napaka-arte kapag ikaw lang nagalaw ko na e hihiwalayan na kita agad bwiset ka,” isip-isip ng binata.

“Grabe, hindi mo naman yata ako mahal,” sagot pa ni Kenneth sabay umalis ito.

Pero dahil nakonsensya naman si Joyce at kiss lang naman ang kaniyang ibibigay ay agad niyang sinundan ang nobyo. Nakita niyang nakikipagkwentuhan ito sa kaniyang mga barkada.

“T*ngina pare, virgin pa si Joyce nung nakuha ko. May nangyari sa amin kaagad nung araw pa lang na sinagot niya ako, kita niyo naman ha. Hindi ako pumalya sa usapan,” malakas na wika ni Kenneth sa mga kaibigan hindi naman sumagot ang mga ito dahil nakatayo ang babae sa likod.

Malakas niyang hinampas ng notebook ang likuran ni Kenneth sabay sabing “ Break na tayo!” at tumakbo papalayo si Joyce.

“Oh kita mo na, nahiya. Akala naman niya e hahabulin ko siya, sawa na ako sa lasa niya, ibang babae naman,” tumatawang pahayag ng binata.

Wala pang isang oras at kumalat na ang balita sa kanilang campus na labis ikinabahala ni Joyce dahil walang naniniwala sa kaniya.

“Sinong maniniwala sa’yo na hindi ka niya ginalaw? E lahat ng babae ng lalakeng ‘yon e napuntusan niya,” wika ni Edy, ang matalik na kaibigan ng dalaga.

Umiyak lang ng umiyak si Joyce hanggang sa sinundo na siya ng kaniyang ama, “Oh bakit namumugto iyang mga mata mo?” tanong ni Mang Lito, ang tatay ng dalaga.

“Paano po kasi pinagkalat ni Kenneth na may nangyari daw sa amin e kahit nga kiss hindi ko ginawa doon, papa!” baling ni Joyce at umiyak muli.

Bumaba naman ng sasakyan ang kanyang ama at agad na pinuntahan ang lalaki, nabanggit ni Joyce na criminology ang kurso nito kaya alam niya agad kung saan makikita si Kenneth. Sakto namang naabutan niyang naninigarilyo sa may basketball court ang binata at nilapitan niya ito.

“Hijo, totoo ba yung sinasabi mong napuntusan mo na daw si Joyce?” tanong ni Mang Lito dito.

“Oh sino naman po kayo? Wag niyong sabihin pati kayo ay may gusto sa babaeng iyon? Naku, itigil niyo na dahil nalaspag ko na yun! Napakapabebe e bibigay rin pala,” sagot naman ni Kenneth dito. Aalukin pa sana niya ang lalaki ng yosi ngunit nagulat siyang kumakaripas ng takbo ang kaniyang propesor na pulis din patungo sa kaniyang kinatatayuan at dali-dali itong sumaludo sa lalakeng kumausap sa kaniya.

Hindi naman naintindihan ni Kenneth at sumaludo siya pabalik sa propesot sa pagaakalang siya ang sinasaluduhan nito, “Kenneth, huwag sa’kin. Kay sir ka sumaludo Chief Police Inspector Officer yan,” saad ng kaniyang propesor sabay turo sa lalaking kausap niya at pinanlakihan niya ng mata ang binata.

“Ibaba mo na, hindi naman ako naka-uniporme at nandito ako para sa anak ko. Anak ko si Joyce,” matapang na wika ni Mang Lito at halos mabilaukan si Kenneth sa kaniyang narinig.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Kakasuhan ko itong batang ito,” dagdag pa ni Mang Lito

“Sir, wag po sir. Patawarin niyo po ako sir huwag po!” nagmamakaawang lumuhod si Kenneth sa lalaki.

“Walang katotohanan ang mga pinagsasabi mo, mamili ka? Ipapakulong kita o hihingi ka ng tawad sa anak ko at gagawin mo yun sa plaza?” tanong ng lalaki.

Pinili ni Kenneth na humingi ng tawad kay Joyce at ginagawa niya ito sa harap ng madaming tao. Sinabi niyang kahit kailan ay ni hindi pa niya nahalikan ang dalaga. Humingi rin siya ng kapatawaran sa ibang mga babaeng sinaktan niya.

Mula noon ay natrauma na si Kenneth sa pangloloko ng mga babae lalo na’t araw-araw na niyang nakikita ang tatay ni Joyce na laging nagpapaalala sa kanya ng malaking leksyon niya sa buhay.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *