Tanggap na ng Dalagang Ito na Iniwan Sila ng Kaniyang Ina Para Sumama sa Mayamang Arabo, Paano Kung Mali Pala ang Balitang Pinaniniwalaan Nila sa Loob ng Mahabang Panahon?

Halos sampung taon na rin nang huling makita ni Joyce ang kaniyang nanay. Namasukan lamang ito bilang kasambahay sa Maynila ngunit nabalitaan nilang nakisama na daw ito sa mayamang bumbay doon at tuluyan na silang iniwan ng kaniyang ama.

“Bakit kailangan mong sa Maynila magkolehiyo, anak? Gusto mo pa bang hanapin yung nanay mong nang-iwan sa atin?” tanong ni Mang Gener, ang tatay ng dalaga.

“Papa hindi, kaya lang ako mag-aaral doon dahil sa scholarship ko. Sayang din naman kung hindi ko kukuhanin diba, wala tayong babayaran doon at isa pa matagal ko nang kinalimutan si mama simula nung tinalikuran niya tayo,” baling ni Joyce sa ama.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ayaw mo bang sa Maynila ako mag-aral?” dagdag pa ng dalaga.

“Hindi naman sa ayaw, nalulungkot lang kasi ako. Wala na akong makakasama dito sa bahay kapag umalis ka, mawawala na ang nag-iisang anak ko,” malungkot na saad ni Mang Gener dito.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Si papa naman, mabilis lang yun at palagi tayong magtatawagan sa telepono. Uuwi din ako kapag holiday, long weekend at kapag bakante para makasama ka. Hindi ako mawawala sayo papa dahil mahal na mahal kita!” pahayag naman ni Joyce saka niyakap ang ama.

Hindi na muling nag-asawa ang kaniyang ama at tinutukan na lamang siya sa pag-aaral. Kahit nga wala ang kaniyang ina ay hindi pinadama ni Mang Gener kay Joyce na may kulang sa kanilang pamilya. Simula sa pagkakaroon ng buwanang dalaw, pagpili ng kaniyang mga panloob para sa nagdadalagang katawan at maging sa paglalagay ng make-up ay todo suporta ang lalaki sa kaniyang unica hija.

“Basta pangako mo sa aking mag-aaral ka lamang sa Maynila Joyce ha, pinalaki kita ng maayos kaya may tiwala ako sayo na magiging maayos ka rin kahit hindi tayo araw-araw na magkakasama,” habilin ni Mang Gener sa dalaga bago ito sumakay ng bus.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Opo papa, kayo din mag-iingat dito palagi ha? Huwag na kayo masyadong uminom at tigilan niyo na rin ang kakaiyak kay mama ha? Wala ako sa tabi niyo para damayan kayo,” sagot naman ni Joyce dito at sabay na nagtawanan ang dalawa.

Naging libangan na kasi ng mag-ama ang umiyak sa tuwing nalulungkot si Mang Gener sa pagkawala ng kaniyang asawa. First love niya si Aling Apple, ang nanay ni Joyce at paulit-ulit na kinukwento ni Mang Gener ang kanilang pag-iibigan pati na rin kung paanong nabuo ang dalaga sa kanilang buhay.

Hindi nagkaroon ng lakas ng loob si Mang Gener na hanapin ang kaniyang misis sa Maynila dahil hindi naman daw sila kasal tsaka isa pa’y elementarya lang ang tinapos niya at walang mabibigay na magandang buhay sa ale. Hindi katulad sa kaniyang nabalitaan na magarbong pamumuhay nito kasama ang bagong pamilya.

Nag-aral ng maiigi si Joyce sa Maynila, B.S. Psychology ang kinukuha ng dalaga at ngayon nang malapit na siyang makapagtapos ay labis siyang binabagabag ng kaniyang damdamin.

“Wag mo na lang kasi sabihin sa tatay mo na hahanapin mo yung nanay mo saka gusto mo lang naman kamo makita diba. Hindi kasalanan yun Joyce,” pahayag ni Sally, matalik na kaibigan ng dalaga.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“E paano kapag nakita ko tapos kausapin ako tapos magtuloy-tuloy o di kaya naman mapa-away ako o baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at anong magawa ko at baka sa kulungan ako pulutin e di malalaman din ng papa ko,” baling naman ni Joyce sa kaibigan.

“E kung hindi ka pa handa at hindi mo kaya kontrolin ang sarili mo ibig sabihin lang niyan ay hindi pa ito ang tamang oras,” pahayag naman ni Sally dito.

Bumuntong hininga na lang ang dalaga at napatingin sa isang kapirasong papel kung saan nakasulat ang huling address na kinaroroonan daw ng kaniyang ina.

Malapit na kasing magtapos ng dalaga ng kolehiyo at kahit labag sa kagustuhan ng kaniyang ama ay nais niyang hanapin si Aling Apple para na rin sa ikakatahimik ng kaniyang loob.

Kinaumagahan ay pinuntahan niya ang naturang bahay at matagal na daw wala doon si Aling Aplle. Kaya naman nagtanong tanong siya sa mga kalapit bahay doon ngunit sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ng kaniyang ina ay agad na umiiwas ang mga tao.

“Hija, kaano-ano mo ba yang si Apple? Ang tagal-tagal na rin at ngayon lang ulit may naghanap sa kanya,” wika ng isang matandang babae.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ah, malayong kamag-anak ho. Kakamustahin ko lang ho sana, balita kasi namin ay asensado na raw siya,” sagot naman ni Joyce at sabay ngiti sa matanda.

“Asensado ba kamo? Naku mukhang nagkakamali ka ng Apple na hinahanap, ‘yang Apple na nasa picture e matagal ng wala dito. Kung gusto mong puntahan yan e ibibigay ko sayo ang address,” baling sa kaniya mg matanda.

Agad na nagpasalamat si Joyce sa matanda at pinuntahan ang sinulat na lugar kahit kabado at walang kasiguraduhan.

Pagkababa niya ng tricycle ay nangilabot siya sa lugar dahil sa mental hospital siya binaba.

“Mental? So baka dito siya nagtratrabaho,” aniya sa sarili.

Agad na naglakad ang dalaga at nagtanong sa information desk, “Magandang umaga po, may empleyado po ba kayong pangalan ay Apple Trimoso? Lumang litrato lang po ang dala ko pero baka ganito pa rin ang itsura niya,” saad ni Joyce sabay pakita ng dala niyang litrato.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Oh Apple Trimoso ba kamo, naku meron pero-”

“Anak? Joyce?” sigaw ng babae sa kaniyang likuran. Tumaas ang balahibo ni Joyce sa boses na kaniyang narinig dahil boses ito ni Aling Apple at agad siyang tinawag na anak. Lumunok ng laway ang dalaga saka hinarap ang ale,

“Ako ito, ang mama mo,” saad pang muli ni Aling Apple.

Hindi nakapagsalita si Joyce nang makita na hindi nurse o ano pa mang empleyado ang kaniyang ina kundi isang pasyente.

Doon niya nalaman na hindi nag-asawa ang kaniyang ina kundi pinagsamantalahan ito ng kaniyang amo dati hanggang sa nasiraan siya ng bait at tinapon sa nasabing pasilidad.

Hindi nagawang makauwi ni Aling Apple dahil hindi niya maalala ang address para makauwi. Wala din siyang kamag-anak na matawagan at hindi pa rin siya pinaniniwalaan na nasa tamang pag-iisip na.

“Ma, paano mo ako nakilala?” tanong ni Joyce na namumugto na ang mata sa kakaiyak.

“E kasi ganyan ako kaganda noong dalaga pa ako. Magkamukha tayo anak, pwede na ako umuwi dahil andito ka na,” sagot naman ni Aling Apple at niyakap ang kaniyang anak.

“Buong akala namin ni papa sumama ka po sa amo mo at iniwan kami. Ang tagal naming nabulag ni papa sa maling katototohanan mama, sorry,” baling pang muli ng dalaga.

“‘Wag ka na umiyak anak, walang may kasalanan at walang may gusto sa nangyari ang importante magkakasama na tayo ngayon,” wika ng ale.

Agad na inilabas ni Joyce ang kaniyang ina sa naturang ospital at sabay silang umuwi sa kanilang probinsya. Humingi ng tawad si Mang Gener dahil hindi siya makapaniwala sa pinagdaanan ng kaniyang misis. Gayun pa man, ngayon ay masayang nang magkakasama ang pamilya at nangako sila sa isa’t isa na kailanma’y hindi na sila magkakahiwa-hiwalay pang muli.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!