Takot na Takot ang Babae nang Makapasok ang Isang Lalaki sa Kanilang Bahay, Laking Gulat Niya Nang Malaman ang Pakay Nito

Isang linggo na lamang bago ang ika-limang anibersaryo ng magkasintahang sina Claudine at Atoy kaya naman pinag-iisipan na nila kung paano ito icecelebrate.

“Babe, anong gusto mong gawin sa anniversary natin?” tanong ni Claudine sa kanyang nobyo habang hawak ang kamay at naglalakad sa mall.

“Gawin nating special. Kahit nasa bahay lang tayo, magluluto ako ng masasarap na pagkain. Sila mommy tatanungin ko kung pwede muna silang umalis para makapagcelebrate tayo ng anniversary natin sa bahay,” nakangiting sagot ni Atoy.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Sa amin nalang, tutal may lakad sila ni dad. Kasabay kasi ng anniversary natin yung sa kanila,” sagot naman ni Claudine kay Atoy.

“Sige babe, suot mo na itong binili kong regalo para sa’yo. Early gift ko para sa anniversary natin,” sabi ni Atoy sabay suot ng mamahaling kwintas kay Claudine.

“Wow babe, thank you! Kailan mo naman binili ‘to?” gulat na tanong ni Claudine sa kanyang nobyo habang yakap yakap ito.

“Kanina bago ka pumuntang CR, nakita kong pinagmamasdan mo ‘yan. Kaya naman noong pumasok ka na ay agad ko itong binili para sa’yo,” masayang sagot ng nobyo nito.

“Ikaw talaga ha? Ang hilig mo sa surprises. Thank you ulit, babe. Tara na, uwi na tayo at hinahanap na ako nila mommy,” kinikilig na sagot ni Claudine sabay halik kay Atoy.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Pagkahatid ni Claudine kay Atoy sa bahay nito ay agad na rin itong umalis para makapagpahinga. Si Claudine naman ay agad na nagbukas ng kanyang laptop para pag-aralan kung paano lutuin ang mga paboritong pagkain ng kanyang nobyo. Maya-maya pa ay pumasok ang kanyang ina sa kwarto.

“Claudine, kumusta? Kumusta kayo ni Atoy?”

“Masaya naman po kami mommy, magcecelebrate kami ng 5th anniversary namin next week kasabay ng anniversary niyo ni dad,” sagot naman nito sa ina.

“Nahahalata ko nga na masayang-masaya ka kay Atoy. Botong boto ako d’yan eh. Sobrang bait at magalang. Sana ay kayo na nga ang magkatuluyan, sigurado akong aalagaan ka niya ng husto,” sabi ng ina sabay yakap ng mahigpit sa anak.

“Aalis nga pala kami ng daddy mo ha. Magcecelebrate din kami ng anniversary namin sa Japan para iba naman ang mapuntahan namin. Tsaka malay mo, masundan ka na namin,” natatawang singit ng ina.

“Basta mommy mag enjoy kayo ha? At kung magkakaroon ako ng kapatid, sana babae ulit,” natatawa ring sagot ni Claudine.

“Sige na, oo na! Magpahinga ka na,” paalam ng ina sabay halik sa noo ni Claudine.

“Good night ma,” sagot ni Claudine dito.

Tuluyan na ngang umalis ang ina ni Claudine sa kanyang kwarto para makapagpahinga na siya. Pagkatapos naman na pag-aralan ni Claudine ang mga paboritong pagkain ni Atoy ay agad na rin itong nagpahinga dahil may pasok pa ito sa trabaho.

Sa araw naman ng kanilang anibersaryo ay napagkasunduan nila na sa bahay na ni Claudine magkita. Ang mga magulang naman ni Claudine at nagbilin muna bago umalis ng kanilang bahay.

“Claudine, mag-iingat ka ha? I-lock mo ang pinto at ‘wag gagawa ng kalokohan,” bilin ng kanyang ama.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Yes po dad. Behave naman po kami ni Atoy, magcecelebrate lang din kami ng anniversary namin dito sa bahay,” masayang sagot ni Claudine sa ama.

“Yung mga kandila, patayin pagkatapos niyo kumain ha? Umiwas kayo sa disgrasya,” sabi naman ng ina.

“Hindi ko na po gagamitin ‘yan mommy, naisip ko na rin po na delikado kaya itatabi ko na ‘yan pagkaalis niyo. Umalis na po kayo at baka mahuli pa kayo sa flight niyo. Ingat po kayo,” masayang paalam nito sa magulang.

Pagkatapos nito ay umalis na rin ang magulang ni Claudine, hinanda na niya ang mga pagkain na niluto niya. Habang naghihintay naman ito ay nakatanggap ito ng tawag mula sa kanyang nobyo.

“Babe, baka ma-late ako ng kaunti ha? May inaayos pa kasi ako dito sa office. Patapos na rin naman ako dito. Sorry. I love you,” pagkasabi nito ay agad na rin na binaba ni Atoy ang telepono.

Pagkalipas naman ng ilang minuto ay bigla na lamang namatay ang mga ilaw sa bahay ni Claudine. Agad niyang naramdaman na tila ba may ibang tao sa bahay kaya’t naging alerto ito. Nang maramdaman na nasa likod na niya ang tao ay bigla na lamang niyang hinawi ito at tinuhod sa maselang bahagi ng katawan. Agad naman napasigaw ang ‘di pa nakikilalang tao at napatumba sa sakit na kanyang naramdaman. Si Claudine naman ay agad na binuksan ang flashlight ng kanyang cellphone at nagulat sa kanyang nakita.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Babe?!” gulat na tanong ni Claudine.

“Hi babe, happy anniversary! Sigurado akong na-surprise ka sa surprise ko. Na-surprise din kasi ako,” natatawang sagot ni Atoy habang namimilipit sa sakit.

“Hala, sorry! Hindi ko naman kasi alam na ikaw yan. Masakit pa rin ba?” tanong ni Claudine habang nagpipigil ng tawa dahil sa nangyari sa kanyang nobyo.

“Ok lang ako, babe. Sorry nagulat kita ha? Ok na rin ‘tong nakabagsak ako dito,” sabi ni Atoy.

“Bakit naman?” nagtatakang tanong ni Claudine sa nobyo.

“Kasi luluhod rin naman ako para kunin ang kamay mo. Yayayain na rin kitang magpakasal kung ok lang sa’yo. Will you marry me Claudine?” wika ni Atoy habang unti-unting lumuluhod sa harapan ni Claudine.

“Yes! Oo! Ikaw na lang naman ang hinihintay ko. Gustong-gusto ko nang makasal sa’yo,” naiiyak na sagot ni Claudine dulot ng labis na pagkatuwa.

Bigla nitong niyakap ang binata. Agad rin nilang ibinalita sa kanilang mga magulang ang planong pagpapakasal. Ito naman ay agad ring sinang-ayunan ng kanilang mga magulang.

Isang taon lamang at lumipas at tuluyan nang nagpakasal ang dalawa.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Pinapangako kong pupunuin ko ng saya at sorpresa ang buong buhay mo kasama ako,” wika ni Atoy habang sinasayaw ang kanyang misis.

“Basta huwag mo na akong sisipain sa balls ha?” natatawang dugtong nito.

Tinawanan na lamang ng bagong mag-asawa ang mga alaala ng proposal ni Atoy.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *