Laking Gulat ng Aleng Ito Nang Ipakilala ng Kaniyang Anak ang Nobyo Dahil Ka-edad na Nila ang Lalaki, Sa Huli, Isang aral Pala ang Nais Ipahiwatig ng Pangyayari

Sa loob ng labing limang taong pagsasama nina Aling Tinay at Mang Nilo ay tiniis nilang ilihim ang malaking problema sa kanilang pagsasama. Matagal na kasing walang pagmamahalan na namamagitan sa dalawa simula noong nagloko si mister at sumuko naman sa pagsasama nila si misis.

Magkakasama man sila sa iisang bubuong ngunit hindi pag-ibig ang pundasyon nito kundi responsibilidad na kailangan nilang maging magulang para sa dalawang anak. Mas pinili nilang maging buo ang pamilya kahit nga wasak naman ang puso nila para sa isa’t-isa.

“Nilo, nakakausap mo pa ba yang si Athena? Parati na lang kasing may pinupuntahang practice, mamaya niyan e buntis na yang anak mo pag-uwi rito,” wika ni Aling Tinay.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Hindi pa, pero mukhang may nobyo na yung bunso natin at ayaw magsabi. ‘Di ba gawain yan ng mga nanay? Bakit hindi ikaw ang kumausap?” baling sa kaniya ni Mang Nilo.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ano pa nga bang bago, sa akin naman lagi laglag ng mga ganitong usapin,” isip-isip ng ale at napaismid na lang sa kaniyang asawa.

Bunsong anak ng mag-asawa si Athena, ngayon ay nasa ikalawang taon ito ng high school.

“Anak, nakaligo ka na ba? Gusto mo ba itirintas ko yung buhok mo bago ka pumasok?” saad ng ale habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Athena.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Hindi na ma, dalaga na ako. Pang bata lang po iyang tirintas,” baling naman ng dalaga sa kaniyang ina.

“Hindi mo man lang ba papapasukin si mama?” pahayag pang muli ng ale.

Naiirita man ngunit pinagbuksan pa rin ng dalaga ang kanyang ina at pumasok naman si Aling Tinay. “Anak, kailan mo pa nabili yang bra na ‘yan? Saka bakit may bakal at foam, ‘di ba sabi ko sa’yo masama yan?” wika ng ale nang makita ang suot ng kanyang anak.

“Ano ba yan si mama! Sa palengke ko lang po ito nabili. Saka ito na ang uso ngayon, pangit kapag walang dibdib,” sagot naman ni Athena.

Hindi naniniwala si Aling Tinay dahil nakita niya ang kapartner na salawal nito sa kama at napansin niyang La Senza ang tatak noon, “Hindi sa palengke galing iyon at nagsisingungaling ang anak ko sa akin, anong gagawin ko?” tanong ni Aling Tinay sa kaniyang sarili.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Anak, may boyfriend ka na ba?” diretsong tanong ng ale.

Hindi naman kaagad sumagot si Athena at nagbihis muna ito ng uniporme. Saka humarap kay Aling Tinay sabay sabing “Meron na po, ipapakilala ko siya sa inyo sa linggo.”

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Oh! Hindi ko alam anak,” baling ng ale.

“Wala naman talaga kayong alam, pero okay lang sanay na ako. Siya aalis na po ako at maaga pa kami para sa school project,” paalam sa kaniya ni Athena.

Wala namang nagawa ang ale at hinayaan na lang niyang umalis ang anak.

“Nilo, yung anak mo may nobyo na. Ipapakilala daw sa linggo,” saad niya sa mister na nag-aayos ng sasakyan.

“E ‘di maganda, maghanda ka,” sagot naman ng lalaki.

Hindi makapaniwala si Aling Tinay na ganoon lang e may nobyo na ang kanyang anak at higit pa niyang inaalala ay ang pag-iiba ng ugali nito. Malamang mayaman ang lalaki at siya ang nagbigay ng mamahaling panloob ng dalaga.

Hanggang sa sumapit ang araw ng linggo, naghanda ng sinigang na baboy at kalderetang baka si Aling Tinay para sa kanilang tanghalian at inantay nila ang darating nobyo ni Athena. “Nandito na daw siya sa malapit, susunduin ko lang po,” paalam ni Athena.

Patuloy lang sa paghahanda ang ale at nanunuod naman sa salas si Mang Nilo.

“Mama, papa, nandito na kami,” pahayag ng dalaga.

“Oh anak, hindi mo naman sinabi sa akin na kasama pala ang tatay ng nobyo mo. Teka dadagdagan ko lang ang plato,” pahayag ni Aling Tinay.

“Ma, siya yung boyfriend ko,” madiing wika ni Athena at halos mabilaukan naman si Mang Lino nang marinig iyon.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Pare, parang anak mo na yung anak ko tapos pinatulan mo pa? Naghahanap ka yata ng gulo e,” wika ni Mang Nilo sabay tayo.

“Dinala ko siya dito para ipakilala hindi para laitin niyo lang. Isa pa, anong problema kung matanda siya sa akin? ‘Wag niyo nang subukan na gamitin ang mga linyang bata pa ako kasi sawang-sawa na ako doon. Kahit bata ako, may isip ako, may puso at sariling desisyon,” baling ni Athena at hinawakan ang kamay ng kaniyang nobyo.

“Puny*ta! ‘Yan ba ang natututunan mo sa eskwelahan? Ang sagutin kami ng nanay mo? Hala pumasok ka sa loob bago ko tadtarin ng itak yang kamay at dila mo, akala mo kung sino ka na magsalita!” galit na galit na pahayag ni Mang Nilo.

Pilit na pinaghiwalay ni Mang Nilo ang kaniyang anak at ang lalaki, “Tama na ho, ako na ang aalis,” saad ng lalaki.

“Walang aalis, bakit pa? Hindi mo ba matanggap yung boyfriend ko? E bakit hindi ka na lang rin magkunwari na tanggap mo siya, e ‘di ba ganyan naman ang ginagawa niyo ni mama. Kunwari okay kayo pero matagal nang hindi diba?” bulalas ng dalaga.

“Anak, magkaiba ang issue ng pamilya sa pagkakaroon mo ng nobyo na halos ka-edad lang namin,” lumuluhang wika ni Aling Tinay.

“Alam mo tama ang mga magulang mo, aalis na ako,” pahayag pang muli ng lalaki saka siya bumitaw sa pagkakahawak ni Athena.

“Bakit ba ayaw niyo sa kaniya? Dahil matanda na siya? E kaya ko nga sya nagustuhan kasi matanda na siya, lahat ng pagmamahal na hindi ko nakikita sa inyo sa kanya ko naramdaman!” sigaw ni Athena sabay pasok sa kaniyang kwarto.

Pinuntahan naman ni Mang Nilo ang lalaki bago umalis at kinausap, nagmaka-awa siya dito na siya na ang lumayo para sa kapakanan ng bata. Samantalang si Aling Tinay naman ay sinundan ang kaniyang anak upang kausapin,

“Anak patawarin mo kami ng tatay mo kung hindi namin sinasabi sa inyo yung tunay na nangyayari, pero anak hindi ito ang rason para pumatol ka sa ganun katanda. Hindi ito para sa akin kundi para sayo, sa tingin mo ba siya na ang lalaking makakasama mo habang buhay? Bata ka pa anak at marami ka pang makikilala kaya huwag mong iyakan ito,” paliwanag ng ale.

“E bakit ikaw ma? Bakit hindi mo na lang hiwalayan si papa kaysa naman araw-araw kayong nagyayabangan na akala niyo hindi namin nakikita. Malaki na kami ma, maiintindihan na namin kung may problema o wala at kung hindi na talaga maayos pa,” baling naman ni Athena.

“Sorry po kung basta-basta na lang ako nag-boyfriend, pakiramdam ko kasi inaalagaan niya ako pero hayaan mo ma, hindi ko na siya babalikan dahil naiintindihan naman kita,” dagdag pa nito sabay yakap niya sa kanyang ina.

Doon nagising sa katotohan si Aling Tinay na hindi buong pamilya ang mahalaga sa loob ng isang bahay kundi buong pagmamahalan sa bawat isa. Kaya simula noon ay pinaliwanag ng mag-asawa ang kanilang naging away sa mga anak at ang kanilang totoong nararamdaman. Doon lumabas na nag-aantay lang pala si Mang Nilo na patawarin siya ni Aling Tinay at muling magtiwala na hindi na siya mambabae pa.

Hindi naman akalain ng ale na maaayos pa pala ang kanilang pagsasama, dahan-dahan, paunti-unti ay nagkakaroon ng respeto ang mag-asawa sa isa”t-isa. Binuksan muli ng ale ang kaniyang puso at muling lumambot hindi para sa kahit kanino kundi para sa kanya mismo.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!