Halos Itakwil ng Mister na Ito ang Anak Nila Dahil Sigurado Siyang Hindi sa Kanya ang Bata, Mas Magugulantang Pa Pala ang Lalaki sa Matutuklasang Lihim ng Kaniyang Misis

Maraming humahanga sa taglay na ganda ng babaeng si Georgina, balingkinitan, maputi at napakahinhin pa nito kaya nga labis na lang rin ang inggit ng mga kalalakihan kay Homer dahil malapit nang ikasal ang dalawa.

“Babe, ayaw mo ba talagang pumunta tayo sa probinsya niyo? Para man lang masabi natin na ikakasal ka na rin,” wika ni Homer.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Naku babe, hindi na kailangan. Family members ko lang naman ang mahalaga sa akin. At isa pa, masama ang naging kabataan ko doon,” baling naman ng dalaga.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Halos dalawang buwan na lang ay ikakasal na ang dalawa, napaluwas na rin niya ang mga magulang. Sa edad na 30 anyos ni Georgina ay napakapagpundar na ito ng maiigi para sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya.

Hindi man nakapagtapos ng pag-aaral ang babae e buong lakas naman niyang binigay ang kabataan para sa pagbabanat ng buto. Iba’t-ibang raket ang kaniyang pinasukan, naroong nagcall center siya, nagbenta ng insurance, sumali sa mga networking, namulot ng bola sa golf course at kung ano-ano pa. Kaya ngayon ay inaani niya na itong lahat.

“Anak, alam ba ni Homer ang nakaraan mo?” tanong ng kaniyang ina na si Aling Patricia.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ma, hindi na niya kailangan pang malaman. Ito na ako ngayon at ito na ang bagong Georgina,” saad naman ng babae.

“E natatakot lang ako, anak, baka biglang pumutok ang nakaraan mo at maging sanhi pa ito ng paghihiwalay n’yo,” malungkot na baling ng ale.

“Hindi niya malalaman mama kung walang magsasalita sa inyo. Isa pa wala siyang kilala mula sa nakaraan ko o sa probinsya natin. Tanging kayo lang,” sagot naman ni Georgina sa kaniyang nanay.

At natuloy ang kasal ng dalawa na walang naging problema at agad na nabuntis ang babae.

“Malapit ka na manganak babe, excited na ako!” pahayag ni Homer. Ngunit ngumiti lamang ang babae sa kaniya.

“Oh ba’t parang hindi ka naman excited?” tanong ng lalaki.

“Excited naman ako babe, pero kinakabahan ako,” baling naman ni Georgina sa kaniyang mister.

“Huwag kang mag-alala dahil alam kong magiging kasing ganda mo ang anak natin at isa pa, magiging masayang pamilya tayo lalo,” sagot naman ni Homer at hinawakan ang tiyan ng kaniyang misis.

Lumipas ang apat na buwan pa at isinilang na ni Georgina ang batang babae.

“Babe, bakit ganon? Bakit parang walang nakuhang features mo si baby natin? Kahit sa akin ay wala,” tanong ni Homer habang buhat ang kakasilang lang na sanggol.

“Bata pa kasi, magbabago pa naman ang itsura niyan,” sagot naman ni Georgina at nagpunas ng kaniyang luha.

Lumipas ang ilang buwan at lumalaking iba ang itsura ng sanggol, maitim ito, sarat ang ilong malaki ang mata at pangit para sa paningin ng asawa.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Umamin ka nga sa akin Georgina, anak ko ba talaga si Baby Angel?” galit na tanong ng lalaki.

“Oo naman! Wala akong naging ibang lalaki,” saad naman ng babae.

“E bakit ganyan ang itsura niyan? Bakit ang layo sa ating dalawa? Patawarin nawa ako ng mga anhel pero pangit yung baby natin!” sigaw pa ng lalaki.

“Porke ba pangit ay hindi mo na mamahalin pa?” baling naman ni Georgina.

“Hindi naman sa ganun, pero nagtataka lang talaga ako dahil ibang-iba ang itsura ng bata. Baka naipagpalit ang baby natin sa hospital? Hindi ka ba nagtataka at ganyan ang itsura ng anak mo?” pahayag muli ng lalaki.

“Hindi,” umiiyak na wika ng babae. “Hindi, dahil siguradong-sigurado akong anak ko s’ya, anak natin siya,” dagdag pa nito sabay lagay ng bata sa kaniyang dibdib.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Sa tingin ko hindi ko na maitatago pa ang lihim ko sa’yo,” baling pang muli ni Georgina sa kanyang mister.

“Patawarin mo ako kung niloko kita, patawarin mo ako kung tinago ko ang lahat sa’yo pero iyan ako dati,” sabay abot ng babae sa kaniyang telepono at pinakita ang babaeng ibang-iba ang itsura sa kanya.

“Sino naman ito?” tanong ng lalaki ngunit nahimasmasan siya nang mapagtantong asawa niya iyon.

“Sh*t! Bakit ganyan na ang itsura mo ngayon? Ang pangit mo dati,” malakas na pintas ni Homer sa babae.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Lumaklak at nagpaturok ako ng gluta kaya ako pumuti, nagparetoke naman ako ng ilong at mukha para gumanda ako dahil bata pa lang ako ay puro pamimintas na ang aking natatanggap. Kaya nagtrabaho akong maiigi upang makapagpaganda,” malungkot na wika ni Georgina dito.

“Kung hihiwalayan mo ako dahil diyan ayos lang, hiling ko lang sana ay masuportahan mo kami ng anak mo. Dahil anak mo talaga siya, wala namang naging ibang lalaki sa buhay ko at alam mo rin na ikaw ang nakauna sa akin,” dagdag pa nito ay nagsimulang tumulo ang luha niya.

Natawa naman ng malakas si Homer. “Hindi mo ako kailangan pagtawanan Homer,” wika pa ng babae.

Ibinalik ni Homer ang telepono at tumabi sa asawa, “Well, kung nakilala kita noon baka hindi kita nagustuhan agad. Pero dahil mas maganda ang puso mo kaysasa itsura mo ay baka minahal pa rin kita,” pahayag ng kaniyang mister at hinawakan ang kamay ng kanyang asawa.

“Sorry kung masakit ako magsalita, sorry rin kung pinagbintangan kitang may ibang lalaki at hindi sa akin si baby. Pasensiya ka na rin sa mga nasabi ko tungkol sa tunay mong itsura. Nagulat lamang ako,” dagdag pa nito.

“Tinatanggap mo pa rin kami?” tanong ni Georgina.

“Oo naman! Hindi kita iiwan dahil lang doon, kaya lang naman ako nagalit dahil akala ko may iba kang lalaki at hindi naman talaga dahil sa itsura ng anak natin. Mas mahal kita higit pa sa akala mo at kung ano man ang maging itsura ng baby natin ay buong puso kong tatanggapin iyon katulad ng pagtanggap ko sayo,” baling naman ni Homer at nagyakap ang dalawa. Ngayon ay masaya at buo silang nagsasama bilang pamilya.

Masayang-masaya naman na si Georgina dahil sa wakas ay wala na siyang itinatagong lihim sa asawa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *