Nang Pasukin ng Masasamang Loob ang Tahanan Nila, Isang Malaking Sakripisyo ang Ginawa ng Ina Upang Mabuhay Sila

Masasabing perpekto ang pamilya nila Janice kung kaya’t marami ang humahanga sa kanilang mag-anak. Kahit na sino ang makasalubong ng kanilang pamilya ay binabati sila dahil sa taglay nilang kabaitan.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Magandang umaga sa inyo,” masayang bati ni Lola Flora kila Janice.

“Magandang umaga rin po Lola Flora,” sagot naman ng pamilya ni Janice habang nagmamano ang mga anak nito sa matandang kapitbahay. Pagkatapos nito ay tumuloy na ang pamilya ni Janice sa kanilang pupuntahan. Habang kumakain ang pamilya sa isang restaurant ay napansin ng asawa ni Janice na may nakatingin sa kanila na lalake kaya naman kinausap niya agad ito.

“Sir, may problema po ba?” tanong ni Billy sa lalake.

“Wala naman. Bakit?” sagot nito.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Parang kanina ka pa kasi nakatingin sa pamilya ko,” sabi ni Billy.

“Ah. Wala naman, parang sobrang saya lang ng pamilya mo. Ingatan mo sila,” nakangiting sagot ng lalake sabay alis sa harap ng asawa ni Janice. Bumalik naman sa kinauupuan ang labis na nagtatakang si Billy para ituloy ang pagkain. Matapos kumain ay nagmadali rin silang makauwi upang makapagpahinga na.

Kinabukasan ay magtatapon na sana ng basura si Janice sa tapat ng kanilang bahay ngunit napansin nito na may iilang lalaki na nagmamasid sa labas ng kanilang tahanan.

“Babe, may mga tao sa labas,” pagmamadaling sabi ni Janice sa kanyang asawa. Pagkatapos ay nagmadaling siyang tumayo para tingnan ang mga misteryosong kalalakihan na nasa labas, subalit hindi niya ito naabutan.

“Wala namang tao sa labas, babe. Wala akong naabutan sa labas,” sagot naman ng asawa nito.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Parang namukhaan ko yung lalake eh. Siya yung nakita ko na nakatingin sa atin sa mall,” pag-aalalang sabi ni Janice.

“Sige, papadagdagan natin ang security para sa bahay natin. Kakausapin ko na agad ang head ng nga guwardiya bukas ng umaga,” sagot naman ni Billy sabay yakap sa asawa.

Mag gagabi na at patulog na ang pamilya ni Janice subalit habang paakyat na sila sa kanilang mga kwarto ay nakarinig sila nang katok mula sa kanilang pintuan.

“Sino ‘yan?” sabi ni Janice sa taong nasa labas ng kanilang tahanan.

“May iche-check lang po kami sa bahay niyo,” sagot ng lalake na nasa labas. Papalapit pa lamang si Billy sa pintuan para silipin ang lalaki na nasa labas ay bigla na lamang sinipa ang kanilang pintuan dahilan ng pagkasira nito.

“Walang kikilos, taas niyo mga kamay ninyo kung ayaw niyong masaktan! Isa!” sabi ng lalake na nanloob sa kanilang tahanan. Agad namang bumungad ang dalawa pang kasama nito at nagmamadaling naghalungkat ng mga gamit ng pamilya.

“Ano bang kailangan ninyo? Parang awa niyo na! Huwag niyo ho kaming sasaktan, lalo na ang mga anak ko,” takot na sigaw ni Janice sa mga lalaki.

“Nasaan ang mga pera niyo? Ang mga alahas? Lahat! Ibigay niyo kundi babarilin ko ang mga anak ninyo!” galit na sagot ng isa sa mga lalaki.

“Wala kaming pera dito. Wala kayong mapapala! Umalis na lang ho kayo, parang awa niyo na,” pagmamakaawa ni Janice sa mga ito.

“Kung wala kaming mapapala dito, kukunin namin ang mga anak mo,” natatawang sabi ng isa pang lalaki.

“Wag ho. Gagawin ko ang gusto niyo, ‘wag niyo lang galawin ang mga anak ko,” naiiyak na sagot ni Janice sa mga ito. Hindi naman makaimik si Billy dahil hinampas ito ng baril ng isang lalaki dahilan upang mawalan siya ng malay. Agad naman na hinatak ang anak ni Janice papuntang kusina kaya palihim itong nakatakas gamit ang pintuan nila sa likod ng bahay.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Agad rin na hinatak ng tatlo si Janice paakyat ng kwarto upang gawin ang kamunduhan sa magandang ina.

“Ayos ‘to, p’re! Marami nang anak pero ang ganda ganda pa rin oh! Mukhang sariwa pa! Halika rito, higa! Kapag pumalag ka, hindi kami magdadalawang-isip na kitilin ang buhay ninyong lahat!” sigaw ng lalaki.

Ngunit, nang magsisimula na ang balak nila ay bigla na lamang nagsulputan ang mga pulis sa bahay ni Janice para mahuli ang masasamang loob. Nang tanungin nila kung sino ang nagpatawag ng pulis, masaya naman nila itong sinagot.

“Maraming salamat po! Ang akala ko’y katapusan na naming lahat. Sino ho ang tumawag sa inyo?” naiiyak na tanong ni Janice.

“Nako misis, sobrang swerte niyo po sa anak niyo. Nakatawag ho agad siya sa guard house ninyo. Buti nalang po at may nagroronda na mga pulis malapit dito kaya naaksyunan agad ang report ng anak niyo,” sagot ng pulis.

Agad na niyakap ni Janice ang anak at nagpasalamat sa kabayanihan na ipinakita nito. Hinigpitan naman ng mga guwardiya ang pagbabantay sa mga tahanan sa subdivision nila.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Nang magkamalay naman si Billy mula sa paghampas ng baril sa kanyang ulo, siniguro niyang habambuhay nang makukulong ang tatlong lalaki at kailanma’y hindi na makakalapit sa kanyang pamilya.

Talaga nga namang dakila ang pagmamahal ng isang ina. Maging ang sarili niyang puri ay kaya niyang ipababoy sa iba para lamang masiguro ang kaligtasan ng buo niyang pamilya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!