Bawat Galaw ng Aleng Ito ay Presyo ang Katuwang at Palaging Sinisigurado na Siya ang Pinakamayaman sa Lugar Ngunit Tameme Siya sa Bagong Salta

Hindi naman ganoon kayaman si Aling Heart ngunit kilalang-kilala siya sa kanilang barangay. Bukod kasi sa pinagyayabang niyang siya ang pinakamataas sa lupong tagapamayapa sa kanilang lugar e napakahangin din ng bibig nito.

“Diyos ko ang init-init na talaga ngayon. Summer na summer,” wika ng ale habang naglalakad sila ng kaniyang kaibigan patungo sa meeting ng barangay.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Oo nga e, naku naku! Nabalitaan mo na ba yung isa nating kalupon e nagpalagay daw ng centralize aircon sa bahay nila. Wow, ang lamig siguro sa kanila at ang dami ding pangbayad ng kuryente,” saad naman ni Aling Ana, isa sa mga matatalik na kaibigan ng ale.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Naku, nakasabay ko naman yun sa SM nung binili nila yung aircon. E hindi naman cash, credit card tapos 12 months to pay at yung nakasale pa talaga ang pinili nila. Pa-aircon aircon pa e utang naman!” tumatawang sagot ni Aling Heart sa kaibigan.

“Hindi katulad nung anak ko, nagpalagay din ng aircon pero sa kwarto lang naman. Tapos sabi ko nga yung mura lang kasi mahirap na ang buhay ngayon pero binili pa rin yung tig P18,000. Cash yun ha,” dagdag pa nito sabay ikot ng kaniyang mata habang nagyayabang.

“Naku iba ka talaga Heart, sobrang swerte mo sa mga anak mo at ikaw talaga ng may pinakamagandang estado ng buhay dito sa atin,” puri naman sa kaniya ni Aling Ana. Halos pumalakpak naman ang tenga ng ale at bumuka ang kaniyang kalamnan sa sobrang saya lalo na’t napupuri na naman siya.

Hindi lamang sa magandang buhay ito kilala kundi sa bibig niyang puro presyo ang bawat galaw. Lahat daw kasi ng mahawakan o nasa bahay ni Aling Heart ay presyo ang iyong maririnig na sasabihin ng ale.

Kaya yung mga kaibigan niya ay kabisado na rin ang mga presyo ng gamit sa pamamahay ng ale. Pagdating nila sa barangay ay agad na pinahain ni Aling Heart ang kanilang meryenda.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Wow naman may papansit pala ngayon si Madam Heart,” saad ng isang babae.

“Hay naku, mas masarap mag meeting kapag busog. Alam niyo bang nakalimang libo rin ako lahat diyan,” baling pa nito.

Nasanay na lang ang mga kasamahan niya sa barangay sa ganitong pag-uugali ng ale, alam din nilang laging may dagdag ang presyo ng sinasabi ng babae para mas lalo pa siyang magmukhang mayaman daw.

“Oh Ma’am Heart, meron akong inimbitahan ngayong tanghali. Bagong lipat lang siya dito sa ating lugar pero kilalang kilala ko naman siya kaya naman inalok ko na kaagad na maging lupong tagapamayapa rin natin,” pahayag ni Kapitan Rico.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Lumabas ang isang babae na nakapaganda kahit nga may edad na. Banat na banat ang mukha nito at halatang mayaman. Agad na lumunok si Aling Heart at napabulong kay Aling Ana.

“Mukhang may kokompetisyon sa akin,” bulong pa nito,

“Mukha ka namang mas mayaman pa rin Mareng Heart,” baling naman sa kaniya ni Ana at ngumiti ito.

“Magandang tanghali sa inyo, ako nga pala si Katarina. Yung tatay ko at si kapitan ay matalik na magkaibigan kaya naman kilalang kilala na niya ako. Makakaasa kayong tutulong ako sa pagpapalaganap ng kaayusan sa ating barangay,” pahayag ng babae.

Nagkamayan at nagpatuloy na sa meeting ang kanilang grupo. Nilapitan naman ni Aling Heart si Katarina upang kausapin ito.

“Ako nga pala ang presidente ng lupon. Kilalang-kilala ako dito sa amin at ako rin ang pinakamayan sa lugar na ito. Hindi naman sa pagmamayabang e abogado ang anak ko tsaka seaman naman ang asawa ko, ikaw ba? Magkano nga pala yang relo mo? Original ba ‘yan?” sunod-sunod na wika ni Aling Heart sabay hawak sa relos ng babae.

“Oh ikaw pala yun. Naririnig ko nga na ikaw daw ang pinakamayaman. Masaya naman akong makilala ka, salamat nga pala sa pagtanggap sa akin bilang bagong kasapi,” sagot naman sa kaniyang ni Katarina.

“Ay hindi sinabi kung anong work so malamang mahirap lang ito. Hindi ko na tatangungin dahil mukhang fake naman yung alahas nya,” wari pa ni Aling Heart sa kaniyang isipan.

Kumalma naman si Aling Heart dahil doon niya nakita na hindi siya matatalbugan ng babae kaya iniwan na niya ito at bumalik sa kaniyang mga kaibigan.

Nang makauwi ang ale ay agad niyang kinamusta ang nag-iisang anak na si Jeffrey na abogado na. “Anak, kamusta naman sa trabaho mo?” tanong ng ale.

“Ayos lang naman ma, pero dumating yung isang may-ari ng law firm namin kanina. Babae, tapos yun daw ang pinakamayaman sa tatlong may-ari. Halos lahat ng ari-arian ay nasa ibang bansa, kaya akala ko masungit pero nung dumating e napakabait ma! Saka ang bata tignan para sa edad niya,” pahayag ng kaniyang anak.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Patingin nga anak, anong pangalan sa Facebook i-sesearch ko baka kilala ko iyan,” sagot naman ng ale.

“Naku ma hindi na kailangan kasi nakita ko siya kanina galing sa barangay. Ginawa daw siyang lupon tagapamayapa ni kapitan, baka nga nakita mo na e, sya yung Katarina ma,” wikang muli ni Jeffrey.

Nabitawan naman ni Aling Heart ang kaniyang ipad mini at nabasag. Hindi niya akalain na mayaman ang babaeng kaninang niyayabangan niya at ngayon ay boss pa ng kaniyang anak.

Simula noon ay nakayuko na si Aling Heart tuwing makikita ang babae at natigilan na rin siya sa pagmamalaki ng mga presyo ng kaniyang mga gamit dahil pakiramdam niya ay nagmumukha siyang tsipipay sa pangingin ng totoong mayaman na si Katarina.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *