Pinatawag ang Supervisor ng Babae dahil sa Pagkanta Nito Habang Nagtatrabaho, Labis Niyang Ikinagulat ang Dahilan ng Kostumer

Call center agent sa umaga at estudyante sa gabi, ganyan ang buhay ng dalagang si Mae simula nang bumagsak ang negosyo ng kanilang pamilya at hindi na siya tuluyang matustusan ng kanyang ama’t ina sa pag-aaral. Kaya naman kadalasan ay pagod na pagod at puyat na puyat itong pumapasok sa kanyang trabaho.

“Mae, gising! Baka makita ka ni boss na naiidlip habang nagtatrabaho,” ani Andrea, kaibigan ni Mae sa pinapasukang call center.

“Ayyy! Grabe, halos wala kasi akong tulog. Sinubukan ko pang humanap ng extrang trabaho kasi lumalaki ang tuition ko,” sagot ni Mae na halatang wala pa ngang tulog sa itim ng kanyang mata.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Pansin din naman ng boss niyang si Sir Benny ang pagkalutang ni Mae sa tuwing pumapasok ito sa trabaho. Kaya naman nang isang beses na mahuli na naman niya itong natutulog, agad niya itong pinatawag upang pagsabihan at bigyan ng payo.

“Alam mo? Marami kayong working student dito. Kanya-kanya lamang yan ng diskarte. Alam ko mahirap ang ginagawa mo na nagtatrabaho sa umaga at nag-aaral sa gabi, ngunit kailangan mong tiisin ang lahat ng iyan at siguradong sa huli ay mabibiyayaan ka,” payo ni Sir Benny sa kanya.

“Sige po, boss. Gagawan ko po ng paraan. Parang hindi na kasi ako tinatablan ng kape e,” sagot niya.

Dahil sa takot na matanggal sa trabaho, pagkauwing-pagkauwi ay binuksan niya ang kanyang laptop at naghanap ng mga paraan upang magising sa trabaho. Marami-rami siyang nakuhang “tips” at agad niya itong isinulat sa papel upang masubukan kinabukasan.

Dumating na ang kinabukasan, maagang pumasok sa trabaho si Mae upang maiwasan ang ma-late.

“A whole new world, a new fantastic point of view~” kakanta-kanta si Mae upang maiwasan ang pagtulog sa trabaho.

“Naks naman! Nabasa ko rin ‘yan na isa raw sa paraan ‘yan para di makatulog, effective ba?” tanong ni Andrea habang patuloy sa pagkanta si Mae.

“Hala, huy! Bakit hindi mo suot ang headset mo?! May caller ka na oh! Bilis!” sigaw ni Andrea nang makitang halos isang minuto na palang naghihintay ang customer.

“Hello? Hello? Hellooooo?” wika ng customer sa kabilang linya.

“I’m so sorry, ma’am! Good morning! How can I help you today?” bati ni Mae.

“Can I please speak with your manager? Transfer me now to your supervisor,” anito.

Dahil patakaran sa kanilang kompanya na kapag humiling ang customer na kausapin ang manager/supervisor, kinakailangang gawin agad nila ito. Kaya naman napahawak sa ulo si Mae dahil sa labis na takot.

“Sure, ma’am. I will now transfer you now to my manager,” sagot niya habang nagpipilit magtunog na masaya.

“Anong sabi? Nako! Baka mainit ang ulo!” tanong ng nag-aalalang si Andrea.

“Baka matanggal na ako sa trabaho! Diyos ko! Sunod-sunod na ang mga kapalpakan ko rito sa trabaho,” sagot ni Mae habang naluluha na.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Nang sabihin niya kay Sir Benny, agad nitong kinuha ang tawag. Kabang-kaba si Mae habang pinapanood ang kanyang boss na kausapin ang customer. Matapos ang limang minuto…

“Come to my office, Mae. We need to talk,” ani Sir Benny sa kanya.

Inaasahan niyang tatanggalin na siya sa trabaho, nang biglang…

“Bruha ka! Hahaha! Gandang-ganda ‘yong customer sa boses mo. At alam mo ba, talent agent pala siya! Pinapapunta ka sa agency nila. Pilipino rin pala ‘yong caller, nasa America lang siya ngayon!” masayang balita ni Sir Benny sa kanya.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Hindi naman makapaniwala si Mae sa kanyang narinig. Ngunit tulad ng sabi ni Sir Benny, kinabukasan ay pinuntahan niya na ang agency na sinasabi ng kanyang caller.

“Mae? Is that you?” wika ng pamilyar na boses.

“Ako nga pala si Rachel Amesola, ang may-ari ng agency na ito. Karamihan sa mga sikat na singers na kilala mo ay dito nagmula,” patuloy pa nito. Siya pala ang caller ni Mae na nakarinig sa kanyang ginintuang boses.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Agad siya nitong inalok ng kontrata na maging talent ng kanilang agency. Dahil sa taas ng offer ay agad niya itong kinuha. Sumunod na araw ay agad din siyang sumailalim sa mga training at voice lessons, at hindi nagtagal ay naging isa na rin siya sa mga pinakasikat na singer sa Pilipinas.

Hindi lubos akalain ni Mae ang ginawang paglalaro ng tadhana sa kanya. Nang dahil sa kasikatang natamo, agad siyang nakaipon ng malaking halaga. Tinulungan niya ang negosyo ng kanyang pamilya, at tulad pa rin ng dati niyang plano ay nagtapos siya sa kolehiyo.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!