Palaging Kinukutya ang Pamilya Dahil Basurero ang Kanilang Ama, Laking Gulat Nila Makalipas ang Maraming Taon

Tuwing dadaan si Tatay Ernesto sa mga kapitbahay nito ay palagi na lamang siyang inaasar dahil sa kanyang trabaho.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Hindi ka na aasenso, Ernesto. Mawawala ka dito sa mundo bilang basurero,” pang-aasar ng isa nitong kapitbahay. Hindi na dapat ito papansinin ng ginoo ngunit bigla na lamang itong siyang binato ng isa pang kapitbahay ng isang pirasong lata ng walang lamang sardinas.

“Ano ho bang problema ninyo? Nagtatrabaho naman ako ng marangal dito pero bakit ganyan ang turing niyo sa akin?” sagot ni kaawa-awang basurero.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Binigyan na nga kita ng basura, nagrereklamo ka pa. Kaya hindi ka maipagmalaki ng mga anak mo eh. Mas inuuna mo pa pangangalakal mo kaysa sa kanila,” sagot naman ng mayabang nitong kapitbahay.

“Paano ba naman kasi, nag anak ka pa ng pito. Alam mo naman na hindi ka asensado sa buhay! Tingnan mo nga, bahay mo lang yung gawa sa kahoy habang kami naman ay purong semento ang aming mga tahanan,” pagmamayabang ng isa pa nitong kapitbahay. Hindi na lamang ito pinansin ng ginoo at tumuloy na sa paghahakot ng mga basura sa daan. Halos labing dalawang oras rin nagtatrabaho si Ernesto para lang may ipangkain sila ng kaniyang pamilya. Minsan ay naghahalungkat rin ito ng tanso para may pandagdag gastos para sa 3 anak na nasa kolehiyo.

Pagkauwi nito ay sinalubong agad ito ng kanyang pamilya para kamustahin ang kanyang pangangalakal.

“Papa, magandang gabi po. Kamusta po ang trabaho?” bati ni Alex na siyang pangatlo sa magkakapatid.

“Ayos lang naman anak, pagbutihin niyong lahat sa pag-aaral ha? Para hindi maging ganto ang buhay ng magiging pamilya ninyo. Kahit kalimutan niyo na ako basta wag lang ang pag-aaral at mga pangarap niyo,” sagot naman ng ama.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Syempre ‘tay hindi ka namin kakalimutan. Wala kami kung wala ka. Nirerespeto at ipinagmamalaki namin ang marangal ninyong trabaho, dahil kundi dahil dyan ay wala sana tayong nakakain para sa pang-araw araw,” sabi naman ni Anton na siyang panganay sa magkakapatid. Halos maiyak si Ernesto dahil sa kabila ng hirap sa buhay ay nagagawa pa rin nilang intindihin ang sitwasyon ng kanilang pamilya. Napakaswerte pa rin niya dahil maganda ang naging pagpapalaki nilang mag-asawa sa kanilang mga anak.

“Mahal na mahal ko kayo,” ang natatanging sagot ni Ernesto sabay yakap sa kanyang mga anak.

“Mahal na mahal din po namin kayo, pa,” sagot naman ng magkakapatid habang sila ay nagsasalo salo sa isang kalderong kanina na sinabawan lamang ng ilang kutsarang toyo.

Pagkatapos ng halos limang taon ay nagtaka ang mga kapitbahay nila Ernesto dahil biglang nawala ang pamilya nito at ang dating tinitirhan nila ay pinagtatayuan na ng malaking bahay.

“Nasaan na kaya yung dakilang basurero natin? Bigla na lang silang nawala ng pamilya niya,” sabi ng dating kapitbahay ni Ernesto.

“Kaya nga eh. Pero ayos na rin yun. tingnan mo naman. May bago tayong kapitbahay na mukhang big time! Parang ayan na ata ang pinakamalaking bahay na maitatayo dito sa atin,” papuri naman ng kausap nito.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Makalipas ang maraming taon ay bumalik ang pamilya ni Ernesto sa kanilang lugar ngunit dumaan muna ito sa mga dati nitong kapitbahay.

“Kamusta kayo?” bati ni Ernesto sa mga kapitbahay. Gulat naman ang mga ito dahil nakita nila na ang dating basurero ay nakasakay na sa mamahaling sasakyan ngayon.

“Ernesto? Ikaw na ba yan? Pano ka nagkaroon ng mamahaling sasakyan?” tanong ng isa nitong kapitbahay.

“Saan pa nga ba? Edi sa basura. Doon ko nakuha lahat ng ito. Dahil sa pagiging basurero ko ay nabuhay at naitaguyod ko ang pamilya ko. Dahil sa basura na kinakalakal ko ay nagawa kong mapagtapos sa pag-aaral ang pito kong anak na ngayon ay mga abogado, doctor at engineer na. Pero dahil sa inyo, mas lalo akong nagsikap para patunayan na hindi ako mawawala sa mundo bilang basurero,” nakangiting sagot ni Ernesto.

“Siya nga pala, kung maaari ay dumaan kayo mamaya sa blessing ng bago naming bahay. Iyong dating puno ng kahoy na nabubulok, sa awa ng Diyos ay naipasemento na rin naman kagaya ng inyo.” pahabol na sabi nito sabay turo sa malaking bahay na ipinagawa na pala noon ng mga anak ni Ernesto. Napanganga na lamang ang kanilang mga kapitbahay sa pagkamangha kung paano naihaon ng matanda ang mga anak niya sa kahirapan gawa ng pangangalakal ng basura.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Sa kabila ng pait at hirap ng buhay, nagawang umahon ni Ernesto at ng kanyang pamilya sa tulong na rin ng pang-aalipusta ng kanilang matapobreng mga kapitbahay. Imbes na damdamin ay ginawa nila itong inspirasyon upang magsumikap sa buhay at umahon sa kahirapan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!