Hindi Hinabol ng Mister na Ito ang Kaniyang Mag-ina Nang Lumayas sa Kaniyang Poder, Sigurado Kasi Siyang Gagapang Din Ito Pabalik sa Kaniya, Mangyari naman Kaya Iyon?

Napakaraming naging nobya ni Robert ngunit nang mabuntis niya si Vilma ay natali na siya dito ayaw naman niya kasing takbuhan ang responsibilidad at isa pa ay mahal naman niya ang babae.

Ngunit simula nang bumukod sila at nagtayo ng sariling pamilya ay nagbago ang dating magaang pagsasama ng dalawa.

“Ano ba yan? Ang dami mo namang kailangan e alam mo nang ako lang nagtratrabaho tapos malapit ka na manganak baka gusto mo naman magtipid,” wika ni Robert sa kaniyang misis.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Kailangan kasi yang oil para sa tiyan ko sana para hindi ako magkakamot,” baling naman ng babae sabay hawak sa bio oil.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Bakit? Artista ka ba? P*nyeta ka, ang arte mo wala ka namang ipinapasok na pera sa pamamahay na ito! Saka ka bumili ng kung ano-ano kapag may sarili ka nang kita. ‘Yong kinikita ko ngayon e sakto lang sa pang araw-araw natin at pagpanganak mo kaya wag mo nang bilhin yan,” sigaw pang muli Robert.

Si Vilma na lang ang nahiya sa sigaw ni Robert at binitiwan na ang bio oil sabay labas sa pamilihan dahil pakiramdam niya’y pinagtitinginan siya ng lahat.

Inintindi na lang niya si Robert dahil alam nitong nahihirapan na ang lalaki sa dami nang kanilang gastusin. Ayaw na lang din niyang awayin pa ang asawa at baka iwan pa siya nito.

Nagtiis si Vilma sa gumagaspang na ugali ni Robert habang tumatagal at kahit nasasaktan ay pinapalabas na lamang niya sa kabilang tenga ang lahat ng mura na natatanggap niya dito. Mura sa bawat galaw, mura sa bawat mali at mura ang inaabot niya kahit sa panaginip.

Hanggang sa lumabas ang kanilang anak na sobrang kumukha ni Robert na labis naman ikinatuwa ng lalaki kaya nga lang mas naging mababa ang trato niya kay Vilma.

“Hoy hoy hoy, naiintindihan mo ba yang nireseta ng doktor? Mamaya mali pa yung gamot na mabili mo, hawakan mo itong anak ko at ako na ang bibili. Ang hirap makapangasawa ng bobo at walang tinapos,” pahayag pa ng lalaki.

“Grabe ka naman magsalita sa akin, marunong naman ako bumasa at sumulat. Nakatungtong rin naman ako ng high school. Alam kong nakapagkolehiyo ka pero sobra ka na sa pangmamaliit sa akin,” wika naman ni Vilma na habang nilalaro ang kaniyang anak.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Bobo ka pa rin! Kaya nga walang tumatanggap sa’yo dati kasi maganda ka lang pero bobo ka. Hindi naman talaga kita gusto e, katawan lang habol ko sayo dati pero dahil bobo ka nagpabuntis ka sa akin. Letche ka, wag ka nga nag-eemote sa akin baka pag iniwan ko kayo e pulutin ka sa putikan, inutil!” sigaw pa ni Robert sa kaniyang asawa at saka lumabas ng bahay para bumili ng gamot.

Napaluhod na lang si Vilma at niyakap ng mahigpit ang anak, umiyak siya nang walang kaingay-ingay at mag-isang dinadama ang mga masasakit na salitang binitiwan ng kaniyang asawa.

Malalim na ang gabi at tulog na rin ang bata, lumabas si Vilma para silipin ang asawa dahil wala pa ito sa kanilang kwarto. Nasilip naman niyang nasa likuran lamang ito at nakikipag-inuman kaya naman hinayaan na lamang niya at bumalik sa kwarto ngunit hindi pa man din siya nakakalayo ay narinig niya ang kaniyang pangalan na pinag-uusapan ng mga ito.

“Pare, mukhang pinapagod mo si Vilma a. Ang laki ng pinagbago ng itsura e, hindi na siya kasing fresh dati nung unang nakilala mo,” saad ng isang lalaking kainuman ng kaniyang mister.

“Sinabi mo pa pare, kaya nga nawawalan na ako ng gana. Isa pa kinakabahan ako baka mapano yung anak ko e baka hindi marunong bumasa ng English paano’y grade six lang tinapos puro palakol pa! Kaya kapag nag-asawa ka e siguraduhin mo may pinag-aralan kasi mahihirapan ka rin, hindi makakapagtrabaho yan kasi walang tatangap e di magagaya ka sa akin na ako lahat nag-aakyat ng pera, ang hirap,” sagot naman ni Robert.

Halos hampasin ni Vilma ang kaniyang dibdib sa sobrang sakit ng kaniyang puso. Hindi niya akalain na ganun kababa ang tingin ng kaniyang mister sa kaniya. Kaya nagdesisyon siyang ipakita na hindi siya ganoon kababa.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Kinaumagahan ay agad na lumayas si Vilma sa poder ni Robert, “Oh dadalhin mo yung anak ko? Sa tingin mo ba mabubuhay mo yan e bobo ka, wala kang kwenta, maganda ka lang naman pero wala kang siblbi!” sigaw ng lalaki.

Mabilis na bumalik si Vilma at sinampal ng malakas si Robert, “Kulang pa yan para sa lahat ng sakripisyo ko,” sabay sabi ng babae at tumalikod.

Hindi hinabol ni Robert ang kaniyang mag-ina dahil alam niyang gagapang ito pabalik sa kaniya.

“P’re, nabalitaan mo na ba yung nangyari kay Vilma?” tanong ni Edrian.

“Hindi pa, halos dalawang buwan na rin kaming hindi nag-uusap. Inaantay ko na ngang magmakaawa sa akin e,” saad pa ni Robert sa kaibigan sabay tawa.

“Pre, amuyin mo ito,” baling pang muli ni Edrian at saka inispray ang isang maliit na pabango para ipa-amoy sa lalaki.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Mabango pare! Amoy chiks, bakit ipangreregalo mo ba?” tanong ni Robert.

“Pare! Sikat ito sa lugar natin ngayon at alam mo ba na sino ang gumawa niyan? Si Vilma, yung dati mong asawa at magbubukas na ang maliit niyang salon para sa mga gawa niyang pabango,” bulalas ni Edrian.

Napalunok naman ng laway si Robert sa kaniyang nalaman. Doon niya nalaman na nag-aral si Vilma sa livelihood project ng barangay tungkol sa pag gawa ng pabango na siyang pinagkakakitaan na niya ngayon.

Hindi rin siya makapaniwala na ang dating babaeng minumura lamang niya ay negosyante na ngayon. Pinuntahan niya ang nasabing shop at napaluha sa mga pangalan ng pabango ni Vilma.

Mayroong NO DEGREE, MAMA’S SWEAT, BREAKFAST IN BED, LABOR, HIGH SCHOOL at marami pang kakaibang pangalan na alam niyang pinagdaanan ni Vilma sa kaniyang piling.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Sinubukan niyang makipagbalikan sa babae ngunit tumigas na ang puso nito. Ngayon ay isa nang matagumpay na boss at nanay si Vilma at mag-isang pinapalaki ang nag-iisa niyang anak. Itinaga niya sa bato na hinding-hindi na niya babalikan ang asawang umalipusta at nangmaliit sa kanya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!