Mali Daw na Umibig ang Isang Guro sa Kaniyang Estudyante, Matuturuan nga ba ang Puso Kung Sino ang Dapat Ibigin?

Hindi nagpatalo ang dalagang si Maze sa hirap ng kanilang buhay at nagpursige itong mabuti hanggang sa siya ay naging isang guro na labis na ipinagmamalaki ng kanyang mga magulang. Ito kasi ang unang guro sa kanilang lugar sa probinsya kaya naman labis-labis na lang rin ang pag-iingat nila sa anak kahit nga nasa tamang edad na ito.

“Maze, hindi porke guro ka na e maglalasing ka na ha? Hindi pa rin pwede dahil walang maitutulong ang alak. Naiintindihan mo ba?” matapang na pahayag ni Mang Samuel, ang tatay ng dalaga.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Itay, JS prom ng mga estudyante ko yun at hindi po sa aming mga guro kaya wala kayong dapat na ipag-alala kasi magbabantay ako ng mga estudyante,” tumatawang sagot ni Maze sa kaniyang ama.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Ito ang unang JS prom ni Maze bilang isang guro kahit na limang taon na siyang nagtuturo. Mas pinipili kasing manatili na lang sa bahay ng dalaga kaysa ang magpuyat kakabantay sa kaniyang mga estudyante ngunit naiiba ang taon na ito, espesyal para kay Maze.

Dumating na ang guro sa prom at agad na umupo sa mesa ng mga kapwa din niya guro, maya-maya pa nang nagkakasayawan na ang lahat ng mga estudyante ay saka siya lumabas para magpahangin.

“Maze, hindi ba talaga kita pwedeng isayaw?” tanong ni Piolo.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Oh, napakagwapo mo naman sa suot mong iyan! Binatang-binata ka na,” sagot naman ni Maze dito.

“Binata naman na talaga ako at ito na ang huling taon ko dito sa school kaya pagbigyan mo naman na akong maisayaw ka sa susunod na sweet dance,” pilit pang muli ng lalaki.

“Piolo, pumunta lang ako ngayong gabi kasi alam kong last JS Prom mo na ito pero hindi ibig sabihin nun pwede mo na akong ituring bilang isang normal na babae. Guro mo pa rin ako, magkwentuhan na lang tayo kung gusto mo,” baling ni Maze at natawa naman ang binata.

Buong gabi lang silang nag-usap at hindi na sumayaw pa, punong-puno nang pag-ibig ang kanilang mga tinginan at kahit nga hindi sila magkahawak kamay ay nararamdaman nila sa isa’t-isa ang bugso ng kanilang damdamin kahit pilit na itinatago ni Maze ang pagtingin.

“Basta, kahit anong mangyari Maze, babalikan kita,” wika namang muli ni Piolo.

“Alam mo bata ka pa at kapag nagkolehiyo ka ay mas marami ka pang makikilala. Makakalimutan mo rin ako,” saad naman ng babae.

“Basta, pangko ko sa’yo babalik ako. Hindi bilang estudyante mo kundi bilang isang manliligaw, mahal na mahal kita Maze,” baling pa ng lalaki saka ito nagpaalam at umalis.

Naiwan namang umiiyak ang gurong si Maze dahil alam niya sa sarili na mali kapag pumatol siya sa binata. Imoral para sa isang guro ang magkagusto sa kaniyang estudyante ngunit matuturuan nga ba ang puso kung sino ang dapat at hindi dapat mahalin? Sa kaso niya, oo dahil kailangan.

18 anyos na si Piolo ngunit kakatapos lamang niya ng high school gawa na rin ng kahirapan samantalang 25 anyos naman na si Maze sa kasalukuyan. Nasa ikatlong taon pa lang si Piolo noon ay nililigawan na niya ng palihim ang guro at todo tanggi naman ang babae dahil alam niyang bawal at ayaw niyang ibuwis ang kaniyangn pinaghirapang lisensya.

Nakapagtapos na si Piolo, akala niya ay totoo ang sinabi ng binata na babalikan siya ngunit apat na taon na rin ang lumipas at hindi pa rin niya nakikitang muli ang lalaki.

“Nagsisisi ka ba na mas pinili mo yung lisensya mo, anak, kaysa sa kanya?” tanong ni Aling Matilde, ang nanay ng dalaga.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Hindi naman inay, ang tagal nating pinaghirapan na maging guro ako kaya hindi ako makakapayag na masisira lamang iyon ng isang maling pag-ibig. Saka hindi ko kayo pwedeng biguin ni tatay sa pagiging guro. Marami pa pong darating na lalaki kaya hindi ako nag-aalala,” sagot ni Maze dito.

“Pero bakit wala ka pa ring nagiging nobyo e apat na taon na rin iyon anak. Inaantay mo siya ano? Ayos lang naman sa akin kaya hindi mo kailangan magpanggap sa harap ko,” baling pang muli ng ale.

Hindi na sumagot pa si Maze at niyakap na lamang niya ang ina at saka tahimik na umiyak sa bisig nito. “Minahal ko siya ma at mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, sana dumatimg ang araw na maturuan ko na ang puso komg kalimutan siya, “ isip-isip ng dalaga habang nakayakap pa rin sa kaniyang nanay.

“Ms. Maze, sabi ng principal ay kailangan daw pumunta lahat ng guro sa darating na JS Prom ha? Kaya hindi ka pwedeng mawala, baka maputukan tayo ng inis ni madam,” wika ni Ms. Jean, kapwa guro ng babae.

Tumango lamang si Maze at walang nagawa kundi ang pumunta muli sa nasabing okasyon, huling punta niya noong kay Piolo pa.

Katulad ng inaasahan ay nasa isang sulok lamang si Maze, pumunta siya muli kung saan sila huling nag-usap noon ni Piolo. “Sana pala nakipagsayaw na ako noon sa kaniya,” wika niya sabay yapos sa kaniyang sarili nang umihip ang malamig na hangin.

“Pwede pa rin naman kita isayaw ngayon,” pahayag ng isang lalaki na mula sa kaniyamg likuran.

Lumingon si Maze at gulat na gulat nang makita si Piolo.

“Kasya pa rin sa akin ang damit. Binata pa rin ako at mahal pa rin kita, e ikaw ba ma’am?” tanong pang muli ng lalaki. Hindi nakapagsalita si Maze at natawa na lang sa itsura ng binata. Suot kasi nito ang amerikana na sinuot niya noong huling JS Prom ngunit ang laki nang ginwapo lalo ng lalaki.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Nawala kang parang bula tapos lilitaw ka ulit at sasabihin mo sa akin iyan? Ano namang akala mo sa akin, maniniwala kaagad?” mataray na sagot ni Maze dito.

“Nag-aral ako ng kolehiyo habang nagtratrabaho. Tinaguyod ko ang sarili ko mag-isa at wala akong lakas ng loob na bumalik sayo noon dahil isa pa rin akong estudyante. Kaya inayos ko muna ang sarili ko upang bumagay sa paborito kong guro,” nakangiting sagot ni Piolo.

“Pero ngayon, pwede ko ba munang isayaw ang babaeng matagal ko nang pinapangarap?” saad pang muli ng lalaki.

Ngumiti lamang si Maze sabay bigay sa kaniyang kamay at sa unang pagkakataon nagsayaw ang dalawa na walang kaba. Hindi makapaniwala si Maze na binalikan siya ni Piolo at ngayon ay nagsasayaw sa maraming tao.

Pormal na niligawan ni Piolo si Maze at hindi nagtagal ay naging sila at nagpakasal. Ngayon napatunayan ni Maze na hindi naging mali ang kanyang desisyon noon dahil Diyos na mismo ang naglagay sa kung nasaan man silang dalawang ngayon.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!