Ang Babae pa ang Pumipilit sa Mabait na Manliligaw na I-kama Siya Nito, Madilim Naman Pala ang Kanyang Nakaraan

“Sige na, Dahlia. Pagbigyan mo na ako.”

 “Huwag, ayoko na. Parang-awa mo na!”

“Wala ka nang magagawa. Sirang-sira ka na dahil sa paulit-ulit na kitang ginamit. Wala nang magmamahal sa iyo na lalaki, wala na!”

“Hindi!” malakas na sigaw ni Dahlia nang magising.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Uy, nananaginip ka! Kanina ka pa umuungol diyan,” wika ng lalaking katabi niya sa kama.

“W-wala iyon. Nga pala, salamat sa nagdaang gabi. Ang galing mo sa kama,” sabi ng babae sa malanding boses.

“Ikaw rin naman e, the best! So, kailan ba natin uulitin?”

“Pasensya na, pero wala nang ulitan. Nakuha mo na ang gusto mo sa akin at nakuha ko na rin ang gusto ko sa iyo, kaya quits na tayo,” aniya.

“Ganoon na lang iyon? Wala man lang palitan ng numero?” takang tanong ng lalaki.

“Wala, kaya goodbye na!” tanging nasabi ni Dahlia sa nakatalik niyang lalaki sabay labas sa pinto ng kuwarto.

Palaging ganoon ang takbo ng buhay ni Dahlia, makikipagpatalik siya sa lalaki pagkatapos ay parang walang nangyari. Hindi niya kayang mabuhay ng hindi nakikipagtalik. Sa totoo lang kasalanan iyon ng kanyang kababatang si Arthur na paulit-ulit siyang pinagsamantalahan noong siya ay dalagita pa.

Wala siyang nagawa dahil tinatakot siya nito na papaslangin ang kanyang ina kapag nagsumbong siya. Kaya nagawa nitong pagsawaan ang mura niyang katawan hanggang sa hanap-hanapin na niya iyon. Tumahimik lang ang kanyang buhay nang lumipat sa probinsiya ang kanyang kababata at umalis sa kanilang bahay na mag-ina. Ulilang lubos na si Arthur kaya kinupkop ito ng kayang ina at itinuring na parang anak ngunit wala itong kaalam-alam na nagawa siyang galawin ng kababata.

Habang nagdadalaga siya ay parang sumpang kumakalat sa kanyang pagkatao ang kahayupang ginawa sa kanya ni Arthur kaya heto siya at tila babaeng mababa ang lipad na kung kani-kanino pumapatol na lalaki matugunan lang ang pangangailangan niya.

Ang akala niya ay habangbuhay na magiging ganoon ang takbo ng lahat niya ngunit dumating si Wendell na nakatakdang magbago nito.

“Dahlia, halika at may ipapakilala ako sa iyo,” sabi ng kanyang boss.

“Bakit po sir?” aniya.

“Dahlia, meet Wendell Alvarez. Siya ang bago mong assistant. Ikaw na ang bahala sa kanya ha?”

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Okay, sir. Ako po ang bahala sa kanya.”

“Hi, Ms. Dahlia, nice to meet you po,” wika ng lalaki.

“Po, tanggalin mo na ang po at Dahlia na lang ang itawag mo sa akin. Mukhang magkasing-tanda lang naman tayo.”

“Sige, Dahlia. Pasensya ka na ha, kinakabahan lang. First time ko kasi matanggap sa isang malaking kumpanya,” anito.

“Huwag kang mag-alala sa umpisa lang iyan. Lahat naman ng first time nakakakaba. Ako ang bahala sa iyo.”

Mula nang magkakilala ay naging malapit na sina Dahlia at Wendell sa isa’t isa na hindi nila inasahan na mas lalalim pa sa bawat pagdaan ng mga araw. Hindi sinasadyang nahulog ang loob ni Wendell sa kanya at ganoon rin siya dito. Ang akala ni Dahlia ay katulad lang ito ng ibang lalaki na ang habol lang sa kanya ay ang kanyang katawan, pero ibang-iba si Wendell. Ipinaramdam ng lalaki na siya ay espesyal at dapat na igalang.

“Ano, Dahlia kailan mo ba ako sasagutin? Wala ka bang nararamdaman sa akin, hindi mo ba ako mahal? Kasi ako mahal na mahal kita, e” wika ng lalaki.

“Mahal din kita, Wendell pero hindi mo pa ako lubos na kilala. B-baka kapag nalaman mo ang nakaraan ko ay pandirihan mo lang ako at ikahiya,” aniya sa kausap.

“Ano ba kasi iyon at ayaw mo pang sabihin sa akin? Mahal kita at kaya kong tanggapin anuman ang nakaraan mo.”

“Hindi pa ngayon ang takdang panahon, Wendell.”

“Kailan pa? Pakiramdam ko kasi ay napakarami mong itinatago. Bakit hindi mo subukang ilabas iyan para makahinga ka nang maluwag.”

“Bakit ba ang kulit mo? Gusto mong malaman ang nakaraan ko pero ikaw hindi mo maibigay sa akin ang gusto ko. Minsan nga nag-iisip ako kung lalaki ka ba talaga, e!” sabi ni Dahlia sa mapangutyang tono.

“Anong ibig mong sabihin, iyon bang hindi ko pagpayag na may mangyari sa atin, ang pagtanggi ko na makipagtalik sa iyo? Look, Dahlia mahal kita at iginagalang kita. Hindi ako gaya ng ibang lalaki na iyon lang ang hanap sa ka-relasyon. At isa pa hindi mo pa nga ako sinasagot at hindi pa tayo opisyal na magkasintahan, tapos gusto mo na agad na may mangyari sa atin? Gagawin ko lang ang gusto mo kapag kasal na tayo.”

“What, hindi ko akalaing ganyan ka ka-boring! At paano kita sasagutin kung sa simpleng hiling ko lang ay hindi mo ako mapagbigyan? Saka na lang tayo mag-usap, kapag hindi ka na nag-iinarte,” inis na sabi ni Dahlia sa lalaki.

Pagkaalis niya ay may bigla siyang nasabi sa kanyang isipan. “Mahal na mahal kita, Wendell. Sa lahat ng lalaking nakilala ko ay ikaw ang pinakaminahal ko, pero paano ko ipagkakatiwala sa iyo ang puso ko kung ako mismo ang hindi nararapat para sa iyo. Patawarin mo ako.” Mangiyak-ngiyak niyang bulong sa sarili.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Dahil sa hindi makuha ni Dahlia ang pangangailangan niya kay Wendell ay sa ibang lalaki niya iyon hinahanap. Walang kaalam alam ang manliligaw na panay ang pakikipagtalik niya sa iba’t ibang lalaki kapag sinusumpong ng kanyang sakit.

Ngunit wala talagang lihim na hindi nabubunyag, nagulat na lamang si Dahlia nang komprontahin siya ni Wendell tungkol sa kanyang mga ginagawa.

“O, bakit nakipagkita ka sa akin? Siguro nami-miss mo na ako ‘no! Ano, pagbibigyan mo na ba ako?” tanong ng babae.

“Kaya ba hindi mo ako masagot ay dahil mayroon kang ibang lalaking gusto?” matigas na sabi ng lalaki.

“H-hindi kita maintindihan,” aniya.

“Umamin ka nga sa akin, sa ibang lalaki ka ba nakikipagtalik? Sa iba mo ba hinahanap ang hindi ko maibigay sa iyo? Hindi ko akalain na ganoon ka na ka-desperada. Ikinuwento ka sa akin ng isa kong kaibigan. Nagngalit ang bagang ko nang malaman kong may nangyari sa inyo at ikaw pa ang kusang lumapit sa kanya.”

“Wala kang alam sa pinagdaraanan ko, Wendell kaya huwag mo akong husgahan na parang kilalang-kilala mo na ako,” buwelta niya rito.

“Hindi pa talaga kita kilala, Dahlia dahil madamot ka. Ayaw mong sabihin sa akin kung anong pagkatao mayroon ka. Paano kita makikilala at maiintindihan kung ang dami kong hindi alam sa iyo,” hayag ni Wendell.

“Gusto mong malaman ang totoo? Matatanggap mo ba ang isang babae na naging biktima na pananamantala? Oo, inabuso ako ng paulit-ulit ng mismo kong kababata na pagkatapos naming kupkupin at ituring na kapamilya ay nagawa pa akong abusuhin. Gugustuhin mo pa ba ang kagaya ko? Isa pa, alam mo ba na dahil sa kagagawan niya ay nagkaroon ako ng sakit? Isa akong s*x addict at iyon ay dahil sa walang hiya kong kababatang si Arthur.

Dahil sa paulit-ulit niya akong ginamit ay hinanap-hanap ko ang pinalasap niyang iyon sa akin. Sinubukan kong magbago at pinigilan ang nararamdaman ko para sa iyo, pero hindi ko kaya. Kusa itong nanunuot sa kaloob-looban ko, sa pagkatao ko.  Kaya ayokong sabihin sa iyo, kaya hindi pa kita masagot ay dahil natatakot akong mawala ka sa buhay ko.

Mahal na mahal na kita, Wendell at ayoko nang mawala ka pa. Ikaw lang ang nagparamdam sa akin na karapat-dapat pa akong mahalin at pahalagahan,” bunyag niya sa kausap.

“H-hindi ko alam, hindi ko alam na ganoon pala ang pinagdaanan mo. Sana sinabi mo sa akin agad para naunawaan kita. Ngayon na alam ko na ang lahat ay wala akong pakialam sa nakaraan mo. Mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa iyo kaysa sa kung ano pa man. Hindi na importante sa akin kung inabuso ka o s*x addict basta isa lang ang alam ko, ikaw ang gusto kong makasama sa habang buhay. Nakahanda kitang pakasalan. Tutulungan kitang magbago,” wika ni Wendell.

Napahagulgol si Dahlia sa sinabing iyon ng lalaki. Hindi siya makapaniwala na handa nitong tanggapin siya ng buong-buo na hindi siya hinuhusgahan. Napatunayan niya na talagang mahal siya nito. Kaya ibinigay na niya rito ang matagal na nitong hinihiling sa kanya.

“Sinasagot na kita, Wendell at pumapayag na akong magpakasal sa iyo,” maluha-luha pa rin niyang sabi.

“Talaga, sinasagot mo na ako?” masayang tanong ni Wendell sabay yakap sa kanya nang mahigpit.

“Oo sabi, e. Bakit ayaw mo ba?”

“Gusto, gustung-gusto ko, Dahlia. Ipinapangako ko na hinding-hindi mo pagsisisihan ang tinanggap mo ako sa buhay mo.”

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo. Abala ang magkasintahan sa nalalapit nilang kasal. Ilang araw bago ang kanilang pag-iisang dibdib ay dumalaw si Wendell sa bahay nina Dahlia. Habang pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa mga preparasyon sa kanilang kasal ay may kumatok sa pinto.

“Babe, may hinihintay ka bang bisita?” tanong ng nobyo.

“Wala. Ikaw lang naman ang alam kong darating, e. Imposible namang si inay dahil wala pang isang oras nang umalis siya papuntang Baclaran. Sandali at bubuksan ko,” sabi ni Dahlia.

Nang buksan niya ang pinto ay laking gulat niya kung sino ang dumating na bisita.

“I-ikaw, a-anong ginagawa mo dito?”

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Kumusta ka na, mahal kong kababata? Balita ko ikakasal ka na raw?” nakangising sabi ni Arthur.

“Umalis ka dito kundi ay tatawag ako ng pulis!” may takot na sa boses ni Dahlia.

Nang biglang lumapit si Wendell sa may pinto. “Bakit ka sumisigaw, babe? Sino siya?” takang tanong ng lalaki.

Napahagalpak sa tawa ang lalaki. “Siya ba ang boyfriend mo? Kita mo nga naman at may nagtiyaga pa sa iyo. Hoy, lalaki, wala nang maipagmamalaki ang kababata kong ito dahil pinagsawaan ko na iyan. Sa madaling salita, tira-tira na lang ang napunta sa iyo.”

Nagpanting ang tainga ni Wendell sa sinabing iyon ni Arthur.

“Hayop ka! Ikaw pala ang walanghiyang kababata ni Dahlia na nang-abuso sa kanya! Ang kapal ng mukha mong pumunta pa dito, lumayas ka bago pa kami tumawag ng pulis!” gigil na wika ng lalaki.

“Umalis ka na at baka kung ano pang magawa ko sa iyo!” sigaw ni Dahlia habang nakakapit sa braso ng nobyo.

“Sa akala mo ba ay papayag akong mapakinabangan ka pa ng iba, akin ka lang Dahlia at ako lang dapat ang magmay-ari sa iyo at walang iba kaya dapat lang na mawala sa landas natin ang lalaking iyan!” anito sabay pinaputok ang hawak na baril sa dibdib ni Wendell.

“Wendell, mahal ko! Hayup ka, Arthur, kapag may nangyaring masama kay Wendell ay titiyaking kong mabubulok ka na sa kulungan! Demonyo ka!’ hagulgol ni Dahlia habang yakap-yakap ang duguang katawan ng nobyo.

Dahil sa takot ay nagtatakbo palayo ang lalaki. Sakto namang narinig ng mga kapitbahay ang nangyaring barilan kaya nagsilabas ang mga ito ng kani-kanilang mga bahay at tinulungan si Dahlia na madala sa ospital si Wendell.

Sa emergency room ay agaw-buhay ang lalaki sa tindi ng tama nito sa dibdib. Sinabi pa ng doktor na sa sobrang delikado ng lagay ng nobyo ay may posibilidad na hindi na ito magtagal. Biglang gumuho ang mundo ni Dahlia sa mga sandaling iyon. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakali mang mawala si Wendell. Hinding-hindi niya kakayanin na mawala ito sa buhay niya, ngayon pa na unti-unti nang naayos ang buhay niya dahil sa lalaking pinakamamahal niya.

Maya-maya ay narinig niya na nagkakagulo na sa emergency room. Kahit bawal ay nagpumilit siyang punasok para makita ang kalagayan ng nobyo. Bumungad sa kanya ang tagpo na naghihingalo na si Wendell at isinasalba na lang ng mga doktor na naroon.

“Diyos ko, huwag niyo munang kunin si Wendell. Siya ang nag-iisang lalaki na nagmahal at nagpahalaga sa akin, sa kanya ko natutunan na muling magtiwala at umibig. Pakiusap, iligtas niyo po siya,” hagulgol na sabi ni Dahlia habang nananalangin.

Nang biglang kumalma ang walang malay na si Wendell. Nakahinga nang maluwag ang mga doktor nang malamang stable na ang lagay ng pasyente. Hindi pumayag si Wendell na basta na lang iwan ang nobya. Lumaban ang lalaki para sa babaeng mahal niya.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Okay na, hija. Ligtas na siya,” wika ng isang doktor.

Napahawak siya sa kanyang bibig at mas lalong napaiyak dahil dininig ng Diyos ang kanyang panalangin.

“Maraming salamat po!” tangi niyang nasabi.

Nagtuluy-tuloy ang paggaling ni Wendell at nadakip na rin ng mga awtoridad si Arthur at nakulong. Napanatag na si Dahlia dahil sa wakas ay nabigyan din ng katarungan ang nangyari sa kanya at sa kanyang nobyo. Di nagtagal ay itinuloy ng dalawa ang kasal at masayang nagsama bilang mag-asawa at kinalimutan ang masasakit na alaala sa nakaraan. Sa tulong ni Wendell ay nabago niya ang sarili at ang kanyang pananaw sa buhay.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!