Hindi Nakayanan ng Lalaki ang Malaswang Pagsasayaw ng Babae sa Club, Siya ang Gagawa ng Paraan Para Matulungan Ito

Habang naglalakad sa kahabaan ng Ermita ay dinala si Noel ng kanyang mga paa sa labas ng isang bahay aliwan. Agad siyang sinalubong ng balbas-sarado at matipunong lalaki na nakabantay sa pasukan.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Pasok na po, sir! Saktong-sakto ang pagdating niyo, si Paloma na ang susunod!” anito.

“Teka, sinong Paloma naman iyon?” bulong ni Noel sa kanyang sarili.

Tiningnan niya ang suot na wristwatch, mag-aalas onse na ng gabi. Wala naman siyang magawa sa bahay at wala rin naman siyang ibang pupuntahan kaya minabuti niyang pumasok na lang sa loob.

“Hindi bale, suweldo naman at karapatan kong aliwin ang sarili paminsan-minsan matapos ng nakakapagod na trabaho sa buong araw,” aniya pa sa sarili at tuluyang pumasok sa loob ng Twilight Club.

Pagpasok niya sa club ay nakita niya ang mga nagwawalang tao sa loob na panay ang hiyawan. Nilapitan siya ng waiter at inestima siya.

“Maligayang pagdating, sir. Hayaan niyo pong ihanap ko kayo ng puwesto,” magalang nitong sabi.

Nang naka-upo na siya sa bandang gitna malapit sa entablado ay muli siyang kinausap ng waiter.

“Sir, gusto mo ba ng babae? Madami pa pong available,”  anito.

“Hindi na. Dalawang beer na lang. Ano ba ang masarap niyong pulutan diyan?” aniya.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Okay sir! Iyong sisig po namin ang binabalik-balikan dito bukod sa mga magagandang babae. Sandali lang po at magpapakuha ako.”

“Ayos! Salamat ha!” sabay abot ni Noel ng nakatuping isangdaang piso.

Maya-maya ay nagsimula na ang kasunod na palabas at biglang lumitaw ang isang babae sa gitna ng entablado.  Sa isip ni Noel ay ito na marahil ang sinasabi ng balbas-saradong lalaki na si Paloma. Ang pinakasikat na mananayaw ng Twilight Club.

Naagaw agad nito ang atensyon ni Noel dahil sa napakaganda nitong mukha. Singkit na mga mata, matangos na ilong, maputi at makinis na balat.

“Diyos ko, mala-Diyosa sa ganda ang babaeng ito,” tangi niyang nasambit sa sarili.

Habang nagsasayaw ang babae ay dahan-dahan nitong inalis ang kulay pulang kapa na tumatakip sa buo nitong katawan. Dibdib na lang at ang maselan nitong parte ang bahagyang natatakpan. Mas lalong nagkagulo ang mga kalalakihan na naroon lalo na at naging marahas na at mapusok ang pagsasayaw ng babae hanggang sa matapos ang tugtog.

“P*tang i*a palabas iyan, grabe!” wika ni Noel sa sarili habang habul-habol ang kanyang paghinga.

Dahil ang mga tao na naroon ay sobrang nasiyahan sa unang palabas ni Paloma ay hindi niya naiwasang marinig ang sari-saring reaksyon ng mga lalaking kustomer.

“Pambihira talaga ang babaeng iyon! Aatakehin ako sa puso,” malakas na sabi ng isang matabang lalaki.

“Oo nga, e. Matagal na tayong pinapahirapan ng babaeng iyan. Ayaw man lang kasi tumanggap ng kustomer kahit table lang,” panghihinayang ng isang payat na lalaki.

“Langya! Maglalasing ako buong gabi para pag-uwi ko sa bahay ay kamukha na ng misis ko si Paloma, para ganahan din ako na makipagtalik sa kanya,” wika naman ng isa pa.

Napagtanto ni Noel na gabi-gabi na lamang ay ganoon ang sitwasyon ng babae. Ibig sabihin ay araw-araw na nasa panganib si Paloma. Ang mga hayok sa lamang gaya ng mga taong naroroon para pagpiyestahan ang alindog nito ay nagpapatunay na sadyang isinilang ang mga kababaihan tulad ni Paloma sa mundo na may kalakip na sumpa at ang isa sa mga sumpang ito ay ang bastusin ng mga nilalang na natutulog sa bubungan nang magsabog ang kalangitan ng kahalayan.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Nang muling magbalik si Paloma sa entablado ay wala na itong suot na pang-itaas. Mas lalong sinakluban ng mala-hayop na pagnanasa ang buong lugar. Laking gulat ng lahat nang umpisahang umabante ni Paloma habang sumasayaw na parang nang-aakit ngunit napansin ni Noel ang mga mata ng babae habang di nito sinasadya na mapatingin sa kanya. May kakaiba itong tingin, malalim iyon at tila may gustong ipahiwatig na habang tumatagal ay unti-unti niyang naiintindihan. Malungkot ang mga matang iyon na para bang gusto nang tumigil ngunit walang magawa.

Hindi na napigilan ni Noel ang sarili. Hindi na niya kayang tagalan pa ang nangyayari sa loob ng bahay aliwang iyon.

“Dyusko, kailangan kong gawin ang tama!” aniya sa sarili.

Bigla na lamang tumayo sa pagkakaupo si Noel at lumabas hawak-hawak ang cell phone. Hindi na talaga niya masikmura ang kanyang nakikita.

Maya-maya ay binulabog na ng mga awtoridad ang Twilight Club.

“Huwag kayong kikilos ng masama! Raid ‘to, walang lalabas!” wika ng isa sa mga pulis. Nagulat pa si Noel ng pati siya ay posasan din ng mga ito nang makita siyang nakatayo sa pasukan ng club.

“Anong ibig sabihin nito? Bakit bigla na lang kayong sumugod dito, may warrant ba kayo?!” galit na galit na sigaw ng manager ng club.

“Warrant?! Warrant pala ang hanap mo ha, heto ang warrant mo ga*go ka!” sabi ng isang pulis sabay sampal ng malakas sa mukha ng manager.

Namukhaan naman ng pulis si Noel na nakaupo sa isang tabi at binabantayan ng mga kasama nito.

“N-Noel? Anong ginagawa mo dito?” gulat nitong tanong.

“Ako ang tumawag kay dad,” sagot niya rito.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Ah ganoon ba? Pasensya ka na at naposasan ka pa ng mga kasama ko. Huwag mo akong isusumbong kay General ha!” sambit ng pulis habang tinatanggal ang posas na nasa kanyang mga kamay.

Nakita rin niya na dinakip rin si Paloma at isinakay sa sasakyan ng mga pulis. Ngayon ay alam na niya kung bakit sila pinagtagpo ng babae. Iyon ay para bigyan siya ng pagkakataon na makagawa ng tama sa kapwa.

“Huwag kang mag-alala, Paloma. Hindi ka naman nila ikukulong. Hihingan ka lang nila ng pahayag,” nakangiting wika ni Noel.

“Paloma lang ang pangalan na ginagamit ko sa club, ang totoo kong pangalan ay Laura,” kinakabahang sagot ng babae.

“Puntahan mo ako sa opisina ko bukas. Matutulungan kita na makahanap ng mas marangal na trabaho,” aniya sabay abot ng calling card sa kausap.

Tinitiyak niya na mas mabibigyan niya ng maayos na trabaho si Laura dahil siya si Noel Manriquez, may ari ng isang kilalang recruitment agency.

“Maraming salamat po,” pasasalamat ng disi-otso anyos lang na si Laura.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Nang makaalis na ang sasakyan ay nakahinga nang malalim si Noel dahil sa simpleng pagpunta niya sa bahay aliwang iyon ay nakapagligtas at nakatulong pa siya sa isang kagaya ni Paloma na biktima lang ng kahirapan ng buhay kaya pinasok ang ganoong gawain. Ngayon ay panatag na siya na mapapabuti na ang kalagayan nito.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!