Akala ng Babae ay Katapusan na Nila nang Tutukan Siya ng mga Magnanakaw sa Jeep, Isa Lang Pala ang Magliligtas sa Kanila

Isang araw ay sumakay ng jeep si Rhada dahil papunta siya noon sa Cubao para katagpuin ang isang kaibigan. Medyo hindi matao nang panahong iyon at walang masyadong pasaherong sumasakay. Kaya napagpasyahan ng driver ng jeep na lumarga na, kahit kaunti lang ang sakay nito. Anim lang na katao ang nakasakay sa jeep kabilang si Rhada.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Mabuti naman at umandar na itong jeep, nagmamadali pa naman ako,” bulong ni Rhada sa isip.

Habang tumatakbo ang jeep sa kahabaan ng kalsada ay may pumarang isang magandang babae, nakasuot ito ng pormal na damit na pang-opisina.

“Para, Mama!” sigaw ng babae.

Agad namang hinintuan ng driver ang babae at pinasakay. Umupo ito sa hulihan ng jeep katabi ni Rhada.

“Napakaganda naman nitong babaeng ‘to, pang-model ang datingan. Sana biniyayaan din ako ng ganyang ganda,” aniya pa sa sarili.

Maya-maya ay may pumara ulit. Isang lalaking matipuno ang katawan. May bitbit itong malaking backpack na kulay itim. Hinintuan din ito ng driver dahil nangangailangan din siya ng pasahero sa araw na iyon. Umupo naman ang lalaki sa hulihang bahagi ng jeep katapat ang magandang babae.

Nang may mapansin ni Rhada.

“Ano kaya ang laman ng backpack nitong lalaki at napakalaki? Baka mamaya bomba pa ang laman niyan,” natatawang sabi sa isip.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Maya-maya ay nagbayad na agad ng pamasahe ang lalaki.

“Mama, bayad ko,” sabi ng lalaki habang iniabot ang perang barya sa driver.

Nang may pumara ulit na pasahero. Sumakay ang isang lalaki at isang babae na tila mag-asawa. May edad na ang dalawang sumakay na pasahero. Umupo naman ang mga ito sa likuran ng driver sa loob ng jeep, pero hindi nagtabi at umupo ang may edad na lalaki sa tapat ni Rhada.

“Bakit naman kaya naghiwalay ang dalawang ito sa pag-upo, e halata namang mag-asawa sila,” bulong pa rin niya sa sarili.

Di naman nagtagal ay may pumara ulit na pasahero. Isang matandang lalaki iyon na nakasuot ng simpleng pananamit at nakasuot pa ito ng sumbrero sa ulo. Umupo ang matanda sa harapan ng jeep na katabi ng driver.

Biglang napansin ni Rhada ang pasaherong lalaki na may hawak na malaking backpack, hindi ito mapakali sa kinauupuan at panay ang tingin sa labas ng jeep at panay rin ang sulyap sa driver.

“Ewan, ko ba pero parang may kakaiba sa lalaking ito,” nagtatakang wika ni Rhada.

Napansin din niya na abala sa pagte-text ang magandang babae. Ang lalaki at babaeng tila mag-asawa ay panay ang away at murahan habang nakasakay sa jeep. Ang matandang lalaki naman sa harapan ay malayo rin ang tingin sa labas.

Maya-maya ay naagaw ang atensyon ng mga pasahero at lahat sila ay nakatingin na sa nag-aaway na mag-asawa.

“Pu*ang ina mo, wala kang ginawa kundi ang mambabae kung di pa kita nahuli sa akto ay hindi ko malalaman ang ginagawa mo!” bulyaw ng babae.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Tumahimik ka nga! Nakakahiya ka, nasa jeep tayo wala kang ginawa kundi ang magbunganga!” wika naman ng lalaki.

“Mawalang galang na po pero maaari po bang huminahon po kayo. Kung puwede po ay sa bahay niyo na po pag-usapan ang inyong mga sentimyento. Nakakaabala po kasi kayo sa mga pasahero,” sabi ng driver.

Imbes na tumahimik ay mas lalo pang nag-ingay ang mag-asawa. Si Rhada naman ay medyo kinutuban na at naramdaman na may kakaiba sa mga pasahero sa jeep. Mas lalo pa siyang kinabahan nang maramdaman na parang may kung anong bagay na nakatusok sa tagiliran niya. Napasulyap siya sa magandang babae, at nakita niya ito na nakatitig sa kanya ng matalim. Tiningnan niya kung ano ang nakatusok sa tagiliran niya, isa itong matalim na kutsilyo na hawak ng magandang babaeng pasahero.

“Holdap ‘to, walang sisigaw!” malakas na sigaw ng lalaking may bitbit na malaking backpack. Binuksan nito ang dala at inilabas roon ang isang lanseta at itinutok sa pasaherong katabi nito.

“Huwag kang papalag kung gusto mo pang mabuhay sa mundo,” sabi ng holdaper.

“Huwag niyo po kaming sasaktan,” pakiusap sa katabing babae.

Ang dalawang tila mag-asawang nagbabangayan kanina ay mga holdaper din at kasabwat ng mga ito ang magandang babae at ang lalaking may dalang backpack. May hawak namang baril ang mga ito na itinutok sa mga katabing pasahero.

“Huwag kayong sisigaw kundi babarilin namin kayo,” pananakot ng mga ito.

Hindi malaman ng mga pasahero kung ano ang gagawin sa tagpong iyon. Ang iba ay nanginginig na sa takot at hindi na nakakilos sa kinauupuan. Ang iba ay napaiyak naman sa sobrang kaba.

“Diretso lang! Huwag mong ihihinto ang jeep, kung ayaw mong pasabugin ko iyang bungo mo!” sabi ng matandang lalaki na nakaupo sa tabi ng driver.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Walang kikilos ng masama, sumunod kayo sa gusto namin kung ayaw niyong masaktan!” marahas namang wika ng asawang babae ng lalaking holdaper.

“Akin na lahat ng mga gamit ninyo, bilis!” mabilis namang utos ng magandang babae.

Dahil sa sobrang kaba at nerbiyos ay napapikit na lang si Rhada habang yakap-yakap ang bag na may lamang pera. Dahan-dahan niyang binuksan ang bag at kinuha ang maliit na imahe ng Santo Nino at ikinulong sa kanyang mga palad saka sinimulang magdasal. Makailang ulit siyang nanalangin sa Santo Nino.

“Mahal na Poong Santo Nino, iligtas Niyo po kami sa kapahamakan!” taimtim niyang bulong sa sarili.

Maya-maya ay kapansin-pansin namang dinaanan lang siya ng mga holdaper at hindi kinuha ang bag niyang hawak.

Nang bigla niyang naramdaman na biglang tumahimik ang loob ng jeep at nawala ang mga komusyon, ngunit patuloy pa rin itong umaandar. Napadilat si Rhada upang tingnan kung ano na ang nangyayari ngunit laking gulat niya nang makitang nakaupo na ang mga holdaper sa tabi niya at nakatungo ang mga ulo.

“Dyusko, anong nangyari sa mga ito at bakit natahimik?” taka niyang tanong sa sarili.

Maya maya ay huminto ang jeep at tahimik na nagsibabaan ang mga holdaper. Nagtaka ang mga pasahero nang iwanan ng mga ito ang isang sako na naglalaman ng kanilang mga ninakaw. Sa madaling salita ay umalis ang mga holdaper na walang kahit anong dala.

“Salamat sa Diyos at hindi nila tayo sinaktan at hindi nila tuluyang kinuha ang mga gamit natin,” sabi ng isang babaeng pasahero.

“Oo nga, e. Ano kayang nangyari sa mga iyon at tila mga natulala?” nagtataka namang wika ng binatang pasahero.

“Kung ano man po ang nangyari sa mga holdaper ay ipinagpapasalamat ko sa iyo Poong Santo Nino,” bulong ni Rhada habang hawak-hawak pa rin ang imahe.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Matapos naman ang insidenteng iyon ay tagumpay na naibalik sa bawat pasahero ang mga mahalagang gamit na pag-aari ng mga ito.

Napagtanto ni Rhada na napakabisa talagang pangontra sa masasamang loob ang panalangin. Ilalayo nito ang sinuman sa anumang kapahamakan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!