Labis ang Paghihigpit ng Ina sa Kanyang Anak, Hindi Niya Inaasahan ang Naging Resulta Nito

“Hindi pwede,” iyan ang palaging sinasabi ni Carol sa kanyang anak na si Vanessa sa tuwing nagpapaalam itong umalis kasama ang mga kaibigan niya.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Huling araw ng pasukan kung kaya’t nagkasundo ang buong klase na lumabas at mag-outing para sila ay magkakasama sa huling araw ng eskwela.

“Ano, Vanessa? Sama ka?” tanong ng kaklase nito sa kanya.

“Baka gusto mong ipagpaalam ka pa namin kay tita para ‘di ka niya paluin ah,” pang-aasar naman ng kanyang kaibigan na si Alex. Nagtawanan ang mga ito na naging dahilan upang labis na mapahiya ang dalaga. Kaya naman napagdesisyunan ng dalaga na hindi na magpaalam sa kanyang ina. Tumakas ito para makasama niya ang kanyang nga kaklase at kaibigan.

“Buti sumama ka na ngayon. Pinayagan ka?” tanong ni Marie na siyang matalik na kaibigan ni Vanessa. Pagkatanong nito ay agad na nagtinginan sa kanila ang mga kaklase nila para malaman ang sagot ng dalaga.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Oo naman! Siyempre papayagan ako nun, last day natin eh,” pagsisinungaling nito sa mga kaklase. Agad naman niyang tinext si Marie para sabihin na tumakas lamang siya sa kanyang ina.

Pagkatapos ng kanilang kainan ay naglakad na ang magkakaklase sa mall, nagulat naman ang mga ito ng bigla na lamang may humatak sa kanilang kaibigan.

“Vanessa!” sigaw ng mga kaklase nito dala ng labis na pag-aalala. Nagulat na lang sila nang makita nila na ang humila kay Vanessa ay ang ina nito.

“Anong ginagawa mo rito?! Hindi ka nagpaalam ah! Gabi na pero wala ka pa rin sa bahay,” galit na sabi ng ina.

“Mama, anong ginagawa mo dito?” gulat na anong ng dalaga.

“Ano pa ba sa tingin mo? Edi hinahanap ka! ‘Di ba sabi ko naman sa’yo na hindi ka lalabas kasama ‘yang mga kaibigan mo? Umuwi ka na sa bahay. NGAYON DIN!” galit na sagot ng ina nito. Agad na hinatak ng ina si Vanessa palayo sa mga kaibigan nito. Pagkauwi nila ay puro pagbubunganga ang ginawa sa kanya ng ina.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Pagkatapos ng ilang buwan ay nagtatrabaho na si Vanessa ngunit hindi pa rin ito pinapayagan ng ina na lumabas kasama ang mga kaibigan. Sa tuwing nagtatanong si Vanessa ng dahilan kung bakit hindi siya payagan ng ina kailanman, wala naman itong maisagot at maibigay na paliwanag.

Habang nagtatrabaho si Vanessa ay nakilala niya si Antonio, isang customer ng kanilang bangko.

“Hi, Vanessa,” bati ni Antonio.

“Hello po, Sir Anton. Welcome back po,” masayang sagot ng dalaga.

“Ano pong maitutulong ko sa inyo ngayon?” tanong nito kay Antonio.

“Pwede ba kitang ligawan?” nakangiting sagot nito. Nagulat naman ang dalaga dahil sa tanong sa kanya ni Antonio pero sa kabila nito, pinayagan niya ang binata dahil akala niya ay papayagan na siyang umalis ng ina dahil may nanliligaw na sa kanya.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Linggo ng hapon ay niyaya ni Antonio si Vanessa na lumabas. Ngunit tulad ng dati, naghuhumiyaw na “HINDI PWEDE!” pa rin ang sagot sa kanya ng kanyang nanay. Dahil sa kagustuhang makaalis kasama si Antonio, nag-isip ito ng paraan upang makalabas ng kanilang tahanan nang hindi nalalaman ng kanyang ina.

“Hintayin mo ako sa labas. Iwan mo lang na bukas yung pintuan ng kotse mo para makasakay na agad ako ha,” mensahe ni Vanessa sa kay Antonio.

“Sige. Nandito na ako,” sagot naman ng binata.

Makalipas ang kalahating oras ay palihim na umalis si Vanessa ng kanilang bahay dala dala ang lahat ng kanyang gamit. Agad itong sumakay sa kotse ni Antonio at sabay na umalis ng lugar nila Vanessa. Nagulat na lang ang ina nito ng wala na siyang nadatnan na anak sa kanilang tahanan at nag-iwan na lamang ng sulat para sa kanya.

“Mahal kong ina, pasensya na kung kailangan kong umalis ng ating bahay. Sadyang hindi ko po makayanan ang pananakal na ginagawa ninyo sa akin. Sana po ako ay inyong maintindihan. Umalis ako para maramdaman ang kalayaan na hinahanap ko. Wag niyo na po akong hanapin, kusa po akong uuwi sa inyo. Mahal ko po kayo,” huling sulat ni Vanessa sa kanyang ina.

Labis ang pagsisisi ng kanyang ina nang mabasa ang sulat na ginawa ng anak. Sinubukan niya itong habulin at tawagan sa cellphone ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya na ito ma-contact.

“Ano? Lumayas na ang anak mo? Sinasabi ko naman sa’yo, huwag mong masyadong higpitan ang anak mo lalo na’t nagtatrabaho naman na siya. Bakit ba kasi labis ang pananakal mo sa kanya?” tanong ng kapatid ng ina ni Vanessa.

“E kasi… E kasi… Wala! Natatakot akong mag-asawa agad siya! Paano na lamang ako? Sinong mag-aalaga sa akin pagtanda ko?!” anito.

“Nako! Hindi ganoon iyon! Bakit mo naman pipigilan na magkaroon ng sariling buhay ang anak mo? Ang tawag diyan, makasarili! Sarili mo lamang ang iniisip mo. Ni ayaw mong lumigaya ang anak mo,” sagot nito.

Hagulgol na lamang ang nagawa ng kanyang ina. Kahit pa magsisi siya at humingi ng tawad ay huli na ang lahat dahil naglayas na ang kanyang anak.

Makalipas ang ilang buwan, nagising siya sa mahinang katok sa tapat ng kanyang bahay.

“Anak?! Vanessa?!”

Bumalik si Vanessa upang kamustahin ang kanyang ina. Kahit pa labis ang paghihigpit sa kanya nito noon, hindi pa rin niya magawang tiisin ito dala ng awang mag-isa lamang ito sa buhay.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Humingi ng kapatawaran ang ina ni Vanessa sa kanya, hagulgol naman sa tuwa ang dalaga nang makita ang kagustuhan ng ina na magbago at bumawi mula sa lahat ng naranasan niyang paghihigpit noong bata pa siya. Kaya naman simula noon ay naging normal na ang buhay ng mag-ina.

Natutunan ng kanyang ina na hindi tama ang walang kabuluhang paghihigpit sa sariling anak nang dahil lamang sa pansariling interes. Natutunan niyang maging masaya para sa kanyang anak, at kinalaunan ay siya mismo ay naging masaya na dahil hindi naman siya pinabayaan ng kanyang anak na si Vanessa at ng mapapangasawa nitong si Antonio.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!