Nasa Gitna ng Kalugmukan sa Buhay ang Binatang Ito Ngunit Doon Pa Siya Iniwan ng Nobya, Ano Kaya ang Dahilan ng Babae?

“Mahal, akin ka na ha? Tayo na hanggang dulo. Ipangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan,” wika ni Louie.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Oo mahal, ikaw na ang una at huling lalaki sa buhay ko. Pangako iyan,” baling naman ni Jenna. Sabay na hinalikan muli ng binata ang kaniyang nobya. Ngayon kasi ang unang taong anibersaryo ng dalawa bilang magkasintahan.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Nasa ikalawang taon pa lang sila sa kolehiyo ngunit pagpapakasal na kaagad ang iniisip ng dalawa.

Medisina ang kinukuha ni Jenna samantalang musika naman ang kay Louie kahit na sobrang magkaiba ang kanilang kurso ay hindi ito naging hadlang upang tulungan nila ang isa’t-isa.

Dahil naunang nakapagtapos si Louie ng pag-aaral ay agad siyang umisip na magtayo ng negosyo dahil ito na rin ang simula nang buhay na pinapangarap nila, ang maging mag-asawa.

“Beb, itatayo ko yung banda namin nung college tapos mag gi-gig kami para kumita or sa mga events ganun ba. Basta gusto ko dito ka na uuwi sa bahay ah,” malambing wika ng lalaki.

“E beb naman, diba malayo ito sa school ko. Mahihirapan ako magbyahe, mahihirapan tayo parehas,” baling naman ni Jenna dito.

‘Wag kang mag-alala beb, kukuha ako ng hulugang motor para may pajero na akong panghatid sundo sa iyo,” saad naman ni Louie dito.

“E san ka naman kukuha ng pangbayad sa motor beb? Wala ka naman regular na trabaho tapos si mama mo pa may sakit, ang bunso nyo naman ay nag-aaral. Hindi ba dapat mas unahin muna natin iyon kesa yung magdadagdag na naman tayo ng gastusin,” paliwanag ng babae ngunit hindi siya pinakinggan ng nobyo at nginitian lang siya nito.

“Alam mo para ka nang si lola kung magsalita, sobrang negative mo naman sa akin beb. Wala ka bang tiwala sa magiging asawa mo na napakapogi? E baka hindi pa ako kumakanta e naghahagis na sila ng pera dahil sa sobrang matcho at gwapo ko. Kaya huwag kang mag-alala magiging maayos ang lahat, magtiwala ka lang,” pahayag ni Louie sabay yakap sa kaniyang nobya.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Ayaw man ipahalata ni Jenna na nag-alala siya para sa kalagayan ng pamilya ni Louie ngunit hindi niya ito matago. Ang binata kasi ang panganay at inaasahan na sana ngayon na makakatulong sa gastusin dahil tapos na ito sa pag-aaral. Wala na rin kasi ang kanilang ama bata pa lang siya, naaksidente noon sa construction na naging sanhin ng maagang pagpanaw kaya naman simula noon ay ang kaniyang nanay na lang ang bumubuhay sa kanila.

“Jenna, sa tingin mo ba mabubuhay pa ako ng mahaba?” tanong ni Aling Terry sa dalaga habang kinukuha niya ang blood pressure nito.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Aba syempre naman, makikita niyo pa po ang anak namin ni Louie kaya dapat laban lang ha,” baling naman ni Jenna dito, kahit pa nga alam niyang malalala na ang kalagayan ng baga ng ale.

Hindi nila mapagamot ang ale dahil sa hirap ng buhay, hindi rin naman makatulong si Jenna dahil kahit siya ay ganun din. Ginagapang nga lang ng dalaga ang kaniyang pagmemedisina sa mga paextra-extra nito sa pagmomodelo at pagbebenta ng mga pampaganda.

“Basta kung ano man ang mangyari e huwag mo sanang iwan ang anak ko dahil ikaw lang ang liwanag niya sa buhay,” pahayag muli ng ale at hinawakan ang kaniyang kamay. Tanging ngiti na lang ang naibigay ni Jenna bilang sagot dito.

Lumipas ang tatlong buwan at nawalan ng buhay si Aling Terry na siyang naging malaking dagok kay Louie at sa kanilang pagsasama.

Wala na itong ginawa kundi ang uminom at magbanda, gumastos, umutang at magyabang. Napapabayaan na ni Jenna ang kaniyang pag-aaral para lamang sa pangakong mamahalin at hindi iiwan ang nobyo kahit anong mangyari.

“Louie hindi ko na kaya, maghiwalay na lang tayo kung ganito lang lagi. Anim na buwan ng wala si mama mo, yung kapatid mo nagsarili na. Sumama sa nobyo niya dahil pinababayaan mo, tapos tayo wala na Louie, wala na,” wika ni Jenna na kakarating lamang at naabutang napaka kalat ng bahay.

“Oh, ano sawa ka na? May iba ka na? Sabihin mo na lang sa akin ang totoo kesa gumagawa ka ng istorya, malandi ka,” sagot pa ni Louie na nakadalawang bote na ng alak habang nanunuod ng telebisyon.

“Malandi? Wow Louie, sobrang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin yan. Simula nang mawala nanay mo at nalugmok ka ng ganyan, halos ako ang nagpunas sa bawat suka mo, ako ang sumusundo sa bawat kalasingan mo. Halos pabayaan ko na yung pangarap ko para lang isalba ka, isalba tayo. Tapos ito lang maririnig ko sayo?” galit na saad ni Jenna at napaiyak na lang ito.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“E di umalis ka na kung pagod ka na. Maghiwalay na tayo tutal mas mahal mo naman yang pangarap mo diba, layas Jenna! Hindi kita kailangan,” sagot naman ni Louie at inilabas ang mga damit ng babae.

“Hindi mo ako kailangan palayasin dahil aalis ako ng kusa. Aalis ako hindi para sa pangarap ko kundi para sa atin dahil kapag sinamahan kita sa ganito, sa kangkungan tayo pupulutin parehas. Tandaan mo, nasira ang relasyon na ito hindi dahil bumitaw ako kundi nagpabaya ka!” baling naman ni Jenna at kinuha ang kaniyang bag sabay alis.

Simula noon ay hindi na nag-usap ang dalawa at makalipas lamang ng halos anim na buwan rin ay naramdaman ni Louie kung gaano kapariwara ang buhay niya. Nagising na lang siya isang araw na tila ba wala nang natira sa kaniya, wala na rin nagmamahal dahil lahat ng iyon ay itinaboy na niya.

Dali-dali siyang nagbihis, naglinis ng bahay at naghanap ng trabaho. Pinuntahan din niya ang dating nobya kinagabihan.

“Jenna, may trabaho na ako. Pwede bang bumalik ka na sakin oh. Diba pangako natin walang iwanan?” wika ng lalaki.

“Hindi ganun kasimple ang buhay Louie, hindi mo kailangan bumalik sa akin agad ngayong nakahanap ka na ng trabaho. Unahin mo ang kapatid mo, ang sarili mo dahil andito lang naman ako,” sagot ng dalaga.

“Kung talagang mahal mo ako at naiintindihan mo ang sinasabi ko hindi natin kailangan magbalikan kaagad. Antayin mo ako makatapos at ipakita mo sa akin na hindi ko na ulit daranasin ang ganoong klase ng pagkatao mo Louie dahil hindi ko na kakayanin pa,” dagdag pa ni Jenna saka niya hinalikan sa pisnge ang lalaki.

Napaluha na lang si Louie sa kaniyang narinig dahil tama ang babae. Ngayon laking pagsisisi niya sa lahat ng mga kasalanan. Pero dahil mahal na mahal talaga niya si Jenna ay mas inayos pa nya ang sarili, pinauwi niya ang kaniyang kapatid at nag-ipon din ito.

Hindi pa rin niya sinusukuan si Jenna at kahit na walang matinong relasyon ang dalawa ay masaya si Louie.

Ilang taon rin ang lumipas at nakapagtapos na si Jenna bilang doktor.

“Ngayon, handa na ako sa buhay may asawa. Pwede na ako umuwi sayong muli Louie,” nakangiting wika ni Jenna sa lalaki.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *