Pilit Aagawin ng Babaeng Ito ang Dating Kababata sa Binabaeng Karelasyon, Magtagumpay Kaya Siya?

Sa ilalim ng puno ng sampalok nagsumpaan si Xandor at Grace na sila na ang magkakasama habambuhay.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Oh itong pusong ito ang magiging tanda ng ating pangako. Basta kahit na lumaki tayo at magkahiwalay e babalik pa rin tayo dito para hanapin ang isa’t-isa,” wika ni Xandor habang inuukit ang puso sa puno.

“E paano kapag pumangit ako at tumaba? Baka naman hindi mo na ako asawahin niyan,” baling naman ni Grace.

“Hindi, ikaw at ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko bukod sa nanay ko at pangako ‘yan,” saad naman ng lalaki at sabay nilang pinagdikit ang kanilang mga hinliliit upang isumpa ang pangako.

“Ayan, tapos na. X&G ayan na ang magiging palatandaan natin habang buhay,” pahayag pang muli ni Xandor at saka sila nagyakap na dalawa.

Pitong taong gulang lamang sila noon at nagkahiwalay nang landas simula nang mapunta sa ibang bansa ang pamilya ni Xandor. Samantalang naulila naman si Grace nang dahil sa sunog, nawala ang kaniyang pamilya at nakikitira na lamang ngayon sa kaniyang kaibigan.

“Ano ba naman itong pinasuot mo sa akin Thalia? Para na akong pokpok e! Labas na nga ang hinaharap ko e naghuhumiyaw na rin ang pisnge ng mga pwet ko, ang hirap naman pala ng trabaho mo,” baling ni Grace sa kaniyang kaibigan.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Maiksi lang naman ang suot pero hindi ka naman nagbebenta ng laman, kotse ang binebenta ko Grace at isa ito sa mga kailangan para makahatak ng customer kaya kung ayaw mo e ‘di wag, kaysa naman kung ano-anong sinasabi mo diyan. Bumalik ka na lang sa pagtitinda mo ng karne sa palengke at magtadtad ka doon ng baboy,” sagot naman ni Thalia dito.

“Ito naman, galit kaagad sinabi ko bang ayaw ko? Sabi ko lang mahirap, gagawin ko ito at mas gagalingan ko pa sa’yo kaya kabahan ka na,” saad naman ni Grace sa kaibigan sabay pose.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Tatlong buwan lang ang lumipas at agad na naungusan ni Grace si Thalia ngunit sumabog ang kaniyang lihim at hindi na niya alam pa ang gagawin.

“Oh diba sinabi ko naman sa’yo? Hindi ito bentahan ng laman pero anong ginawa mo? Sumama ka pa rin sa mga customer mo e alam mo namang walang kakahinatnan kapag ganun,” galit na galit na wika ni Thalia.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“E ‘di ipapalaglag ko na lang ito, ako nga wala nang matinong buhay paano pa ito kapag nilabas ko? Hindi ko kaya Thalia, ” umiiyak na baling ni Grace.

Nabuntis si Grace ng isa sa kaniyang mga kliyente at ayaw niyang buhayin ang bata dahil ang ama nito ay pamilyado na.

Habang naglalakad siya sa mall at sa sobrang lutang ng kaniyang isip ni hindi man lang niya napapansing kanina pa pala siya tinatawag ng isang lalaki. “Grace,this is Xandor! How are you?” saad pa nito at doon na nagising ang diwa niya.

“Xandor? As in sampalok Xandor? Ikaw na ba iyan?” baling pa ni Grace. “Binalikan niya ba ako? Ito na ba ang prince charming ng buhay ko?” isip-isip pa ng dalaga habang manghang-mangha siya sa kagwapuhan ng lalaki.

“Oo, sampalok Xandor. Kamusta ka na? Ako, ito kasal na pero sa lalaki,” wika pang muli ng lalaki sabay pakita ng kaniyang singsing at ngumiti ng malaking malaki.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“PUT*NGINA! B*DING KA?” madiing tanong ni Grace dito.

“Ahm, oo bakit? May masama ba doon?” baling naman nito at saka sila nagkwentuhan pa ng isinama ni Xandor ang dalaga sa kanilang bahay para ipakilala sa asawa. Naikwento niya rin sa lalaki ang kinalalagyan niya ngayon na problema.

Agad din siyang inalok ng lalaki na kung gusto niya ay sila na ang aampon sa bata dahil naghahanap din naman sila ng aampunin ng kanyang asawa. Agad din naman pumayag si Grace “Aakitin kita kapag kasama mo na ako, walang panlaban yang b*ding mong asawa dahil alam kong mas sasaya ka sakin,” bulong nya sa kaiyang sarili.

Ngayong magdadalawang buwan na ang babaeng nakatira sa bahay nila Xandor at nang aswa nito ay mas lalo pang tumindi ang pagnanais niyang makuha ang lalaki dahil sa yaman nito.

Isang gabi habang lasing na lasing na si Xandor ay pumasok si Grace sa kwarto at nagsimulang maghubad.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Alam kong gusto mo ito Xandor,” saad pa ni Grace.

“Grace ano yang ginagawa mo! Stop it, napakababoy,” sigaw ni Xandor at biglang bumangon sa kama.

“Kahit lasing ako hindi kita papatulan, pinatira ka namin dito para tulungan at hindi para pagsamantalahan,” baling ni Xandor sa babae.

“Ayaw mo ba sa akin? Hindi ba binalikan mo ako kasi hinanap mo ako at tutuparin natin yung pangkong tayo habang buhay. Kaya nga pinatira mo ako dito diba para umalis na si b*ding,” sagot pang muli ni Grace.

“Ano yang pinagsasabi mo? Pitong taong gulang lang tayo nun at malalaki na tayo ngayon. Kaya ka namin pinatira dahil kahit papaano’y kaibigan pa rin ang tingin ko sa’yo at hindi lahat ng lalaki iyan ang gusto,” pahayag pa ni Xandor saka niya binalutan ng kumot si Grace.

“Mahal ko sya Grace at sana igalang mo yun dahil kung hindi bukas ang pinto para sa pag-alis mo,” wika ni Xandor at lumabas siya para hanapin ni Christian, ang kaniyang asa.

Paglabas ni Grace ay doon niya nakita na nagyayakapan ang dalawa at naramdaman niyang nagmamahalan talaga ito. Doon niya rin naisip na hindi solusyon ang manira ng ibang relasyon dahil lamang may pinagdadaanan siya o ang mang-akit ng mga lalaki. Hindi pala lahat ng lalaki tutuka ng palay, ang iba ay talagang nananatiling tapat sa kanilang kabiyak.

Simula noon ay naghanap ng pormal na trabaho si Grace sa tulong ni Xandor, nagbago na rin ang kaniyang isipan at hindi na ipapaampon ang bata. Bubuhayin niya ito at palalaking mas mabuting tao kaysa sa kanya, dahil alam niyang biyaya ang pagdating ng bata at hindi isang parusa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!