Kinalakihan na ng Dalagang Ito na Hindi Siya Kailanman Magkakaroon ng Tunay na Pag-ibig Dahil sa Kaniyang Itsura, Wala nga ba Talagang Nakalaan na Lalaki Para sa mga Tulad Nya?

Katulad ng ibang mga bata, mahilig din si Patricia sa mga laruang manika, bahay-bahayan, prinsesa at higit sa lahat ay ang kasal-kasalan.

Kinuha ni Patricia ang kumot sa kanilang kwarto saka ito itinapis sa kaniyang katawan. Sinungkit ang puting kurtina at itinaklob sa kaniyang mukha sabay harap sa salamin. Lumayo pa ang bata at kinuha ang isang manika para gawing bulaklak.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa salamin at ipinikit pa ang kaniyang mga mata.

“Walang kinakasal na mataba kaya tigilan mo na yang imahinasyon mo,” saad ni Aling Rhea, ang nanay ng dalaga.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Si mama talaga napakasama sa akin! Bakit yung ibang nanay e sinusuportahan ang mga anak nila, ba’t ikaw ganyan?” inis na tanong ni Patricia na noon ay 11 anyos na.

“E kasi naman laitin ka pa ng ibang tao, mas mabuti na nasa bibig ko lumabas. Anak, walang kinakasal na pangit at matabang katulad natin. May pelikula ka na bang nakita na ang bida e lumba-lumba? ‘Di ba wala pa, kasi ganyan lang din sa totoong buhay. Walang lugar ang mga pangit at matatabang kagaya natin,” baling muli ng kaniyang ina.

Hindi na lang sumagot si Patricia at tinanggal ang kurtina sa kaniyang mukha at hindi na kailanman sumubok muli na laruin ang kasal-kasalan.

“Oo na nga, kabisado na namin ang kwento na ‘yan. Pero ano ba yung makipagdate ka o ‘di kaya naman makipagkilala sa ibang lalaki para naman magka-nobyo ka,”saad ni Gina, katrabaho ni Patrica.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Hindi ko na kailangan pa ng ganyan dahil ang tototoo e wala naman akong balak na mag-asawa. Masaya na ako sa pagiging arkitekto,” sagot naman ni Paticia dito.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Alam mo, hindi ibig sabihin nasabi ng nanay mo na pangit at mataba ka e totoo na. Maganda ka Patricia at tiwala na lang talaga ang kulang sa’yo.” dagdag pa ni Gina sa babae.

Ngayong arkitekto na ang dalaga at may magandang trabaho ay hindi naman nya mapagbigyan ang sariIli na buksan ang posibilidad na may magkakagusto sa isang tulad niya.

Natural na may kalahikan ang babae dahil nasa lahi na talaga nila ang pagiging plus size.

“Saka hindi mo ba talaga nararamdaman gusto ka ni Josh?” tanong pang muli ni Gina.

“OH MY GOD! Gina naman. Pati ba naman si Josh dinamay mo pa, kaibigan lang tingin sa akin ng tao at ayaw kong dumihan iyon kaya please lang tigilan mo na ako,” madiing sagot ni Patricia.

“Teka, mukhang narinig ko yung pangalan ko. Pinag-uusapan niyo ba ako ladies?” wika ni Josh, ang gwapong katrabaho ni Patricia.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Naku hindi, itong si Gina ay madami lang masyadong sinasabi kaya baka akala mo narinig mo ang pangalan mo,” mabilis na sagot ni Patricia sa kaniya.

“Ganun ba? O siya kumain na lang tayo sa labas mamaya Patricia, sagot ko,” saad ng binata sabay hawak sa kamay niya.

Napatingin naman ng babae kay Gina na nakataas ang dalawang kilay sa kaniya.

“Ah, sure,” maiksing sagot niya sa lalaki.

Pagkatapos noon ay biglang napaisip si Patricia kung may gusto nga ba talaga sa kanya si Josh. Bigla niyang nakita ang pagiging sweet ng lalaki sa kaniya, katulad ng pagsabay at paghintay palagi sa kanya tuwing kakain, pagtitimpla ng kape at maging pagpupunas ng mga pawis ay ginagawa din binata. Inaantay din siya palagi nito kapag uwian, madalas din siyang ihatid sa mismong apartment niya.

“Ahm, Josh pwede magtanong?” wika ni Patricia sa binata habang kumakain silang dalawa.

“Oo naman Pat, basta ‘wag lang tungkol sa trabaho dahil rinding rindi na ako doon,” pabirong sagot ng lalaki.

“May nililigawan ka ba ngayon? Kasi kung wala may irereto ako,” saad ni Patricia sa kaniya sabay tawa din ng malakas.

“Ba’t mo naman biglang natanong ang usapang pag-ibig? Pero dahil nabangit mo na rin naman sige, may nililigawan na ako e. Gustong gusto ko itong babaeng ito, napakaganda niya, napakabait at napakasipag sa buhay ytun nga lang mukhang hindi niya nararamdaman na nililigawan ko siya,” pahayag ni Josh.

“Sh*t ka Patricia, may nililigawan na si Josh! Umasa ka ba talagang may ibig sabihin lahat ng mga sweet moments niyo? Isa kang tunay na bobo,” wika ni Patricia sa kaniyang isipan habang nakatitig sa lalaki.

“Patricia, narinig mo ba yung sinabi ko? Sino yung irereto mo?” tanong muli ni Josh sa dalaga na nakatulala sa kaniya.

“Ah, oo naman narinig ko lahat. Wala na yung irereto ko, nagback out. Kain na lang tayo,” saad naman ng babae at natapos ang kanilang gabi.

Simula noon ay umiwas na si Patricia kay Josh lalo na’t may nililigawan pala ang tao. Ayaw na niya mabigyan pa ng ibang kahulugan ang kabaitang pinapakita sa kanya ng binata.

“Patricia, pwede ba tayo mag-usap?” katok ni Josh sa pintuan ng opisina ng babae.

“Sure, pasok ka,” kalmadong sagot naman ng babae dito.

“Iniiwasan mo ba ako? Simula kasi nung huling kain natin e hindi ka na sumabay sa akin ulit, may problema ba?” diretsong tanong ni Josh sa kaniya.

“Ah hindi naman, ayaw ko lang kasi makagulo. E diba may nililigawan ka, baka pag nakita tayong laging magkasama e anong isipin. Ang ganda-ganda ko pa naman,” saad ni Patricia sa lalaki sabay hawi pa ng kaniyang buhok.

Natawa si Josh sa sinabi ng babae at napahawak pa ito sa kaniyang mukha, “So talagang hindi mo alam?” wika ng lalaki.

“Hindi alam ang alin?” inosenteng sagot ni Patricia dito.

“Na ikaw yung tinutukoy ko. Ikaw yung maganda, mabait at masipag pero hindi nakakaramdam na nililigawan na kita,” pahayag namang muli ng binata.

Natulala saglit ang dalaga sa kaniyang narinig, tila biro sa kaniyang tenga at baka pinagtritripan lamang siya ng kaibigan.

“Oh teka, hindi kita niloloko ha? Gusto talaga kita Pat, dati pa. Unang beses pa lang kitang nakita tinamaan na ako sayo,” dagdag pa ni Josh.

“Ikaw? Magkakagusto sa lumba-lumbang katulad ko e napakagwapo mo, sobrang lakas mo mang trip Josh,” sagot naman ni Patricia sa kaniya.

“Hindi kita niloloko, gusto kita at kahit hindi ka maniwala ngayon e marami pa akong bukas para patunayan na totoo ang nararamdaman ko para sayo,” baling pa sa kaniyang ng lalaki sabay abot sa kaniyang kamay at hinalikan iyon.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Hindi man makapaniwala si Patricia ngunit totoo nga ang sinabi sa kaniya ng binata dahil kinaumagahan ay inanunsyo nito sa opisina na pormal na daw siyang umaakyat ng ligaw sa dalaga.

“Oh diba, ikaw lang ang hindi nakakakita,” bulong naman ni Gina kay Patricia.

“Posible ba talagang may magkagusto sa tulad ko?” malungkot na tanong niya sa babae.

“Hoy! mataba ka oo, pero hindi ka pangit at mas lalong hindi pangit yang puso mo. Kung titignan mo lang maigi Patricia, nakapaganda mo,” saad naman ni Gina sa kanya.

Napangiti na lang ang dalaga at nagpasalamat sa Diyos dahil hindi naman pala siya madamot sa pagmamahal. Hindi ipinagdamot sa kaniya ng panginoon ang pagkakaroon ng isang lalaking minamahal siya ng tapat at tunay.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!