Desperada at Nagmamadali Daw ang Babaeng Ito Kaya Siya na ang Nagyaya ng Kasal sa Nobyo, Mali Nga Ba ang Ganito?

Simula nang iwan si Jane ng kaniyang nobyo ay naging mailap na ito sa lalaki. ‘Ika nga daw ng kaniyang mga kaibigan ay isinara na ng dalaga ang kaniyang pintuan para sa pag-ibig.

“Tara na kasi, mamili ka na ng kanta diyan at ako ang pipindot. Para naman hindi ka puro cellphone. Nasa birthday party tayo pero hindi ka naman nag-eenjoy,” saad ni Kim, matalik na kaibigan ng dalaga.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Todo tanggi pa rin ang dalaga sa kahit anong pilit ng kaniyang mga kaibigan. Mas gusto niyang nakasubsob na lang ang mukha sa telepono para nakaiwas na rin sa mga tanong at ibang lalaki.

Habang kumakanta ang kaniyang kaibigan at nakatitig naman si Jane sa TV habang pinapanuod ang lumalabas na video sa karaoke ay nabaling ang kaniyang paningin sa isang lalaki.

“Oh my gosh,” nasabi ni Jane ng dahan-dahan. Nagulat naman ang mga kaibigan niya dahil tumayo si Jane at pinuntahan ang lalaki, nakipagkilala at kinuha pa ang number nito.

“Hoy Jane, akala ko ba e ayaw mo na magkajowa? E ba’t nung nakakita ka nang gwapong lalaki e bumigay ka kaagad tapos ikaw pa talaga ang unang nagmove ha,” wika ng kaniyang kaibigan si Kim.

“Siya na Kim, siya na talaga. Siya na ang forever ko,” masayang sagot ng dalaga.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ay iba siya oh, kakakilala lang e forever agad? Tigilan mo nga yan Jane, tandaan mo walang nagtatagal na relasyon ‘pag minadali mo ang proseso saka galawang babae pa rin dapat,” galit na baling ni Kim.

“2019 na ngayon, ano ka ba naman Kim. Saka ito yung mga hindi ko ginawa dati sa nobyo ko kaya naman gagawin ko ito lahat kay Renzo. Basta suportahan mo na lang ako ha,” saad namang muli ni Jane.

Espesyal ang lalaking si Renzo para kay Jane kaya kahit ito ang unang beses na siya ang nanligaw sa lalaki ay buong puso nyang ginawa.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Halos siya ang naging lalaki sa proseso ng kanilang pagiging magkasintahan. Mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa malakihang sorpresa tuwing monthsary at anniversary ay hindi nagpahuli ang babae.

“Talaga bang seryoso ka na diyan? Hindi ba nadadala ka lang ng emosyon mo o kaya naman gusto mo lang ipakita sa ex mo na okay ka na kaya mo ginagawa iyan,” tanong ni Kim.

“Oo Kim, sigurado na ako. Siya na talaga ang gusto kong makasama sa habang buhay kaya suportahan mo na lang ako,” saad naman ni Jane.

“Ikaw lang amg tanging kilala kong babae na magyayaya ng kasal sa lalaki, Jane. Isa pa, gano na ba kayo katagal na magkakilala? Yung iba ngang ilang taon na e naghihiwalay pa rin, kayo pa kaya na kaka-isang taon lang.

Ngumiti na lang si Jane at binili na ang singsing na gagamitin niya mamaya para sa pag-aaya ng kasal.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Kumuha ng isang hotel room si Janes at doon inayos ang lahat, nagpalagay ito ng maliit na mesang may pagkain at alak. Gumawa din siya ng mga letra na nakasabit na ‘WILL YOU GROW OLD WITH ME’ saka may rosas sa kama ang singsing nilang dalawa.

“Baby, ano ba ‘tong pa sorpresa mo na naman sa akin,” wika ni Renzo habang nakapiring ang kaniyang mata papasok ng kwarto.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Ngumiti lang ang dalaga at kinikilig-kilig pa habang hawak at inaalalayan ang lalaki. Itinayo niya ang lalaki sa tapat ng kama at sana niya iniwan. Samantalang pumunta naman siya sa harapan at hinawakan ang singsing.

“Pwede mo na tanggalin baby,” saad pa ng babae.

Natulala naman si Renzo sa kaniyang nakita at hindi ito nagsalita, imbes nilapitan niya ang nobya at niyakap ito.

“Hindi ka na ba talaga makapag-hintay baby kaya ikaw na ang gumawa nito? Sorry,” wika pa ng lalaki.

“No Renzo, ginawa ko ‘to dahil gusto ko hindi dahil nagmamadali ako,” sagot naman ng babae.

“Ayaw mo ba na ako ang gumawa niyan? Na ako ang dapat na naghanda nito para sa’yo kasi babae ka dapat tinuturing kitang reyna o prinsesa,” baling naman ni Renzo.

“Hindi naman ibig sabihin na babae ako ay hindi ko na maaring gawin yung mga ganitong bagay diba. Hindi ko sinasaktan ang ego mo, ang akin lang kasi e gusto na kitang maging asawa at ayaw ko na mag-aksaya ng oras. Matagal na kitang napanaginipan kaya alam kong ikaw na yung tadhana ko, kaya kahit na ako ang gumawa lahat ng first moves ayos lang. Isa pa hindi ko ito ginawa sa dati kong nobyo kaya baka iniwan niya ako,” paliwanag naman niya.

“Hindi lahat baby, hindi ito ha. Papakasalan kita at may plano na ako, kaya hayaan mo akong iparamdam ang pagiging babae mo at lalaki ko sa relasyon natin. Walang problema sa akin na ganito ka mageffort, pero pwede bang ibigay mo sa akin ang ilang bagay na dapat lalaki ang gumagawa para hindi ako manliit. Mahal kita at magtiwala ka lang ulit. Hindi ibig sabihin iniwan ka niya noon sa kung sino ka ay babaguhin mo na lahat ngayon sa akin,” sagot naman ng lalaki.

Doon nahimasmasan si Jane sa kaniyang ginagawa, hindi pala dahil napanaginipan niya ang lalaki na makakatuluyan niya ay gagawin na niya ang lahat para doon. Hindi rin totoo na kapag mas maeffort daw ang babae ay hindi iniiwan ng mga lalaki dahil hindi pare-parehas ang kwento ng bawat matagumpay na relasyon. Hindi iisa ang timpa at sikretong sangkap para sa happy ending.

Simula noon ay hinayaan niya ang kanilang relasyon katulad ng mga normal na magkasintahan. Kahit na kinakabahan ang dalaga na baka iwan lang siyang muli nito ay mas nagtiwala pa rin siya sa kapangyarihan ng dasal at pag-ibig.

Hindi nagtagal ay kinasal din ang dalawa at ngayon ay masaya nang nagsasama.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *